Chapter Twenty-Three

869 32 0
                                    

Chapter Twenty-Three

* * *

Veronica Van Smith

DUMATING na ang araw ng kaarawan ni Lolo Oliver. Magarbong handaan ang naganap sa kaarawan niya. Maraming bisita ang dumalo. Mostly, all of the guests are businessmen and businesswomen. Hinanap ng mga mata ako ang magkapatid na McMahon. Masquerade ang tema ng birthday party kaya nahirapan akong maghanap sa target. Alam kong dadalo sila. Alam kong nandito na sila.

Kinakabahan ako sa mangyayari. Kailangan ko ba talagang gawin ito para kay Lanz at sa aking pamilya? S'yempre, oo. Mahal na mahal ko sila pareho at biktima lang kami rito sa kasamaan ni Lolo Oliver. I need to do this for them.

'L-Lanz... sweetheart? Nasaan ka?' I called him using our telepathy link.

'Miss me, sweetheart?' he asked. Napangiti na lang ako ng malapad. Malapit lang siya sa akin. Ramdam ko 'yon. Inayos ko ang maskara ko na nakatakip sa aking mata hanggang sa ilong.

'Yeah. Always. Where are you now?' I asked again but he just replied to me with his charismatic laugh.

'I'm watching you, sweetheart. Look up!' I heard him giggle.

Napatingin naman ako sa taas. Nandoon nga siya, ang braso niya ay nasa railings habang ang mga mata nito ay nakatuon sa akin. He was dazzling and perfect to be my Prince Charming. Bagay na bagay sa kanya ang itim at puting tuxedo. Binigyan ko siya ng matamis na ngiti. Walang ibang tao sa taas kundi siya lang. Nasa baba naman kasi ginanap ang engrandeng party.

'Come here, sweetheart.'

Nakangiti akong tumango at sumunod sa sinabi niya. Ako ang pupunta sa kanya sa ikalawang palapag. Bago pa ako makahabang patungong hagdan may nagbigay sa akin ng wine. Two glass ang kinuha ko, para sa akin at kay Lanz.

"Thank you!" I smiled. Tumango lang sa akin ang nag-abot sa akin ng wine.

Hindi ko pa nakita si Lolo Oliver at si Lolo Alessandro, ganoon din ang aking ama. Nasaan sila? Naguguluhan ako. Ako kasi ang pinaasikaso nila rito sa bisita. Hintayin lang daw sila dahil may surpresa raw si Lolo Oliver mamaya kaya hindi muna ito nagpakita. Pero ang nakapagtataka, bakit si Lolo Alessandro at Daddy ay wala rin dito? Mas lalong dumagdag ang kaba ko dahil sa surpresang sinasabi ni Lolo Oliver.

Umiling-iling ako at kinalma ang sarili. Hindi ko hahayaaang may masaktan sa pamilya ko o sa McMahon.

Wala sa sarili kong inabot kay Lanz ang glass na may lamang mamahaling alak. I smiled at him. Alam niya na kaya ang balak ni Lolo Oliver? Kinakabahan ako pero hindi ko pinahahalata.

"Wow! I didn't expect that the theme of the party was a masquerade. Ibang-iba kasi ang nakasulat sa invitation na natanggap namin. Thank you for telling me, sweetheart."

Tama siya. Iba ang imbitasyon na binigay ni Lolo Oliver sa kanila. Alam ko 'yon dahil aksidenteng narinig ko ang usapan nila ng kanyang tauhan na palitan niya. Hindi ko alam kung bakit biglang pinalitan ni Lolo Oliver nang biglaan. Siguro dahil sa mga masasamang binabalak niya?

"I don't know, either he planned everything just to kill you? Biglaan nga lang. Iba kasi ang napag-usapan namin noong nag-family dinner kami." Umiling-iling ako at hindi makapaniwala.

Oh, yes. Ang family dinner naman last time ay pag-usapan lang pala namin ang paparating na kaarawan ni Lolo Oliver. Iba ang napag-usapan namin sa time na iyon. Ako ang nag-suggest na black and white ang motif ng party dahil ito ang paboritong kulay ni Lolo Oliver. Sumang-ayon naman silang lahat lalong-lalo na si Lolo Oliver.

Nahalata ko talaga na ibang Lolo Oliver ang nakasalamuha namin noong umuwi siya ng Pilipinas. Hindi siya ang Lolo Oliver na nakilala ko noon. Pagbalik niya sa Pilipinas naging masungit na siya at parang galit palagi. Hindi naman gano'n ang Lolo Oliver na nakilala ko. Hindi na ako nagtataka ngayon dahil nabasa ko ang talaarawan niya. Alam ko na ang totoong siya-kung sino siya-ang buong pagkatao niya.

Taming The Alpha (Taming Series 1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang