Chapter Twenty-Four

724 27 0
                                    

Chapter Twenty-Four

* * *

Veronica Van Smith

MATAPOS kong mausisa ang lahat ng silid sa kanan ay dumiretso na ako sa baba. Nanlumo ako nang maubos ko rin ang kwarto sa baba pero wala ang mga taong hinahanap ko. Nasaan sila?

Ang mga bisita ay nasa sahig pa rin. Tulog na tulog. This is really bad. Ang puso ko ay kumabog na parang lalabas na sa kalalagyan dahil sa sobrang kaba.

“Farah! Where are you?!” sigaw ko. “Dad! Lolo Alessandro! Lolo Oliver! Nasaan kayo?!” umalingaw lang ang boses ko sa loob ng unang palapag.

Napabuga ako ng hangin dahil wala na talagang pag-asa na makita ko sila. Palaisipan pa rin sa akin kung nasaan sila. Bakit hindi ko sila mahagilap? This birthday party of Lolo Oliver is just a trap. Ito ba ang surpresa ni Lolo Oliver?

Napag-isipan kong pumunta sa garden. Ang favorite spot ni Lolo Alessandro. Lakad-takbo kong tinungo iyon. Hindi ako nagkakamali. Nandoon nga si Lolo Alessandro. Nakatalikod siya sa akin pero agad niyang naramdaman ang presensya ko kaya humarap siya sa akin.

“Lolo, bakit wala kayo sa loob? Nasaan si Daddy? Nasaan si Farah? Tulog na ang mga bisita, nilagyan ng pampatulog ang wine. May alam ba kayo rito, Lolo?” sunod-sunod na tanong ko na halos kapusin na ako sa paghinga.

“Huminga ka muna, apo. I know you want to know the answers.” Umiwas sa ng tingin pero nakita kong napatingin siya sa bahagi ng fountain.

I obeyed. Huminga nga ako ng malalim hanggang sa maging normal ang paghinga ko.

“Well, hindi ako pumasok sa loob dahil alam kong unti-unting matulog ang mga bisita. Ayaw kong makita iyon kaya mas pinili kong dito lang ako…”

Huminga muna si Lolo ng malalim bago nagpatuloy sa pagsasalita. “… ang Daddy mo, kasama niya ang si Oliver. I guess, i-torture iyon ng Lolo Oliver mo dahil nabasa ng Daddy mo ang talaarawan na iniingatan niya. Ang babaeng McMahon ay nasa kamay na rin ng Lolo Oliver mo.”

Napahawak ako sa aking bibig dahil sa sinabi ni Lolo. Nanlumo ako sa aking narinig.

“What? Lolo, anong pinagsasabi mo? Lolo, please tell me that you’re lying.” Gulat pa rin ako sa sinabi ni Lolo Alessandro. “Bakit hinayaan niyo lang si Lolo Oliver? He’s your friend–best friend to be exact. Bakit hindi niyo siya pinigilan?”

“I don’t know the moves of your Lolo Oliver. He’s not the old best friend I know. Mukhang nagbago siya. Mas nanaig pa rin ang galit sa puso niya. Paghihiganti pa rin ang nasa isip niya. He is unstoppable now. He threatened me. He threatened your father. He threatened you. He’s a monster now.” Seryoso ang boses ni Lolo habang binibigkas ang bawat salita.

Napalunok naman ako dahil doon. Parang gano’n nga ang naobserbahan ko sa kanya nang makabalik siya sa Pilipinas.

“Lolo, saan niya dinala ang aking ama at si Farah. I want to save them.”

Hinawakan niya ako sa balikat at tumitig sa aking mata. I saw fear and sadness in his eyes.

“Honestly, hindi ko alam. Hindi ko alam ang mga plano ng Lolo Oliver mo. Hindi niya na ako sinama sa kanyang plano. Kung mangialam ako. Lahat tayo papatayin niya. Remember when he shouted at you because of his diary.”

I gritted my teeth. Kinuyom ko ang aking kamao. He can’t do this to us. I will do everything to stop him.

“He knew that you helped Lanz to dissolve the sleeping potion. He also knew what your relationship with Lanz was. He will use you against Lanz. Be careful, Veronica. I don’t want to lose you. Huwag mo nang kalabanin ang Lolo Oliver mo. Sumunod na lang tayo sa gusto niya.”

Taming The Alpha (Taming Series 1)Where stories live. Discover now