Chapter Thirty

1K 35 1
                                    

Chapter Thirty

Ang pagwawakas...

* * *

Veronica Van Smith

"VERONICA! Gumising ka!"

Nagising ako dahil sa isang sigaw. Napabalikwas agad ako nang bangon. Napaaray ako nang maramdaman ko ang sakit ng aking katawan na para bang binugbog ako ng maraming tao. Natataka ako dahil nasa malambot na kama na ako nakaratay. Kulay berde ang kumot, unan at sapin sa kama. Napatingin ako sa aking braso, may benda na ito at mukhang may gumamot. Masakit at mahapdi ang aking braso pero kaya ko namang igalaw. Parang nalasog-lasog ang sa loob ng katawan ko dahil sobrang sakit talaga. Napahawak ako sa aking ulo. May benda rin.

Agad kong nilibot ang aking paningin. Nasa 'di kalakihang kwarto ako. Kulay berde ang dingding ng kwarto. Yari lahat sa kahoy. May manipis na berdeng kurtina ang nakasabit sa bawat bintana para hindi masyadong pumasok ang liwanag ng kulay dugong buwan sa labas. Parang babae ang may-ari batay sa mga nakikita ko sa kwarto. May isang malaking aparador na yari sa kahoy, katabi nito ay may salaming malaki at may upuang nakaharap sa salamin. Kumpleto sa gamit na pambabae.

'Nasaan ako?' ito lang ang tanging natanong sa isip ko.

"Thank God, you're alive." The gorgeous girl sighed. Para siyang nabunutan ng malalim na tinik.

Yes, she's gorgeous. She has creamy white skin. She has a round shape face with perfect features. Her eyes are like I'm in a field of green trees. Her nose and lips are perfectly fit on her. She's indeed gorgeous. Ang katawan at height niya ay pang model. Napaka-sexy. Maganda ang pagkahulma sa kanya na para bang masasabi mong nasa kanya na ang lahat. Bumagay sa kanya ang kanyang balat na katamtaman lang ang puti.

"Hey, are you okay?" she asked, halata sa mukha niya ang pag-alala.

"Ikaw ba ang sumigaw? Kilala mo ako?" Hindi ko sinagot ang tanong niya bagkus ako ang nagtanong. "Where I am? Why I am here? Who are you? Paano ako napunta rito?" walang preno kong tanong. Hindi rin maalis ang mata ko sa kanyang berdeng mata.

"Oo, ako ang sumigaw, napalakas yata ang sigaw ko. I'm sorry. At oo, kilala kita." Tumabi siya sa akin. Hinawakan niya ang aking kamay. Hinayaan ko siya sa kanyang ginawa.

Naguguluhan pa rin ako kung paano ako napadpad dito. Ang naalala ko ay nasa Underground ako sa mansion namin. Sinakmal ako ni Davin. At papatayin ako ni Davin dahil iyon ang utos ni Lolo Oliver na kanyang ama. Paano ako napunta rito?

"Okay, calm down! I'm Elaide Akiva Liminski, the splendid Delta of the pack." She flipped her hair in a slow-motioned way. Her voice was sweet and soft. Halatang mabait. Hinagod niya pa ang aking likod habang ang isang kamay niya ay hawak ang kamay ko. "You're here in Red Moon Pack's territory at the East part of Lebanese Mountain."

Agad akong napalayo sa kanya. Nasa Pack ako ni Alpha Solitaire? Sino ang nagdala sa akin dito? Naguguluhan pa rin akong napatingin sa kanya. Tumayo ako at hindi ininda ang sakit sa aking katawan.

"Umupo ka muna, hindi mo pa kaya." Maingat niyang hinawakan ang aking braso at pinaupo pabalik sa kama. "Alam kong naguguluhan ka. Ang Beta ng Blood Moon Pack ang nagdala dito sa'yo kasama ang salutary ng pack namin."

S-Si Davin? Kasama ang niya ang salutary ng pack ni Alpha Solitaire? Alam ko ang Salutary. It's the herbal wolf. Taga-gamot ng pack kung may sugatan.

Pero, bakit pinalayo ako ni Davin? Bakit hindi niya ako pinatay? Utos ni Lolo Oliver na kanyang ama na patayin ako para si Lanz mismo ang sasalakay sa kanila.

"N-No! H-How about the w-war? K-Kumusta ang Alpha ng North? I-Is he okay?" nataranta kong tanong. Kaba ang umusbong sa puso ko ngayon. Naalala ko ang panaginip ko. Pilit ako ginising ni Mommy sa panaginip.

Taming The Alpha (Taming Series 1)Where stories live. Discover now