Chapter Twenty-Five

805 26 1
                                    

Chapter Twenty-Five

* * *

Veronica Van Smith

NASA ikalawang palapag na ako at nagmamadali akong lumakad patungo sa hagdan ng ikatlong palapag kung saan matatagpuan ang kwarto ni Lolo Oliver. Buo na ang desisyon ko. Bahala na, gusto ko lang iligtas ang buhay ng mga mahal ko sa buhay at ang mga buhay ng inosenteng tao na dinamay ni Lolo Oliver.

Bago pa ako makarating sa kwarto ni Lolo Oliver. May humila sa akin at sinandal ako sa malaking haligi. Nagulat dahil hindi man lang ako nakahanda. Nakakagulat pa ako dahil ang lakas niya. Hindi man lang ako nakapagpumiglas. Ang mga kamay nito ay nakatakip sa aking bibig para hindi ako makagawa ng ingay.

Habol-habol ang hininga ko nang mabitiwan niya ang ako. Nakasandal pa rin ako sa malaking haligi ng hallway. Hindi ko pa siya namukhaan dahil palinga-linga ito sa paligid at may maskara siya kaya hindi ko agad makilala. Ang galing niya dahil nagawa niya akong itago sa walang kamera. Who is this man? Anong kailangan niya sa akin?

“Who are you?” I asked with confusion.

Nabaling ang tingin niya sa akin. Nagulat ako nang magtama ang mga mata namin. I know this pair of yellow eyes. It’s Davin, the Beta of Blood Moon Pack--the boyfriend of Farah. I’m right, he’s here. Ang sabi ni Lanz nasa pack house ang kanyang Beta pero bakit nandito ito sa mansion?

Is he a traitor? No! He can’t be.

“I’m sorry, Veronica. Did I startle you?” Kinuha niya ang kanyang mascara. I’m right. It’s Davin.

“Nope. However, why are you here? Lanz told me that you’re at the pack house but why are you here?”

Umiwas siya ng tingin. Napansin ko namang parang may kalmot siya sa kanyang pisngi at leeg. Naaway ba ito? Umiling-iling na lang ako at hinintay ang sagot niya. Malalim siyang huminga bago binalik ang tingin sa akin.

“I’m here to save my girlfriend, Veronica,” he said without cutting our gaze, I saw guilt and sadness in his eyes.

Tumaas naman ang kilay ko sa sagot niya. Paano niya nalamang nanganib ang buhay ng nobya niya?

“I know, you won’t believe it. We are mated, Veronica. I already marked her. I feel it if she’s in danger. Kahit malayo siya, ramdam ko kung nanganganib ang buhay niya. I know you also feel it when Alpha Lanz is in danger, right?”

Tumango-tango ako, dahil ramdam ko rin kanina pa na nanganganib ang buhay ni Lanz. Hanggang ngayon patuloy pa rin ang malakas na pagkabog ng aking dibdib. Pero, pilit ko itong nilalabanan at pilit na pinakalma. Hindi ako dapat magpadala sa kaba ng aking dibdib.

“I believed in you. I also felt that the Alpha of Blood Moon Pack is in danger right now,” malungkot kong wika.

“Bakit mo ako hinila bigla?” pag-iba ko ng usapan. Nakakagulat lang kasi na manghila siya bigla.

“Alam kong susugod ka kay Oliver. I overheard your conversation with your grandfather. I also heard what his deal with you…” he paused.

Saan siya sa panahong kausap ko si Lolo Oliver? How can he overhear our conversation? Ito agad na tanong ang pumasok sa isip ko. Pero iniwaksi ko iyon dahil hindi ito ang panahon para magduda ako. He is loyal to his alpha. Hindi niya naman sigurong ipahamak ang kanilang Alpha.

“Obey him, Veronica,” seryosong dagdag niya na ikinagulat ko.

“W-What? Davin, hahayaan mo bang saktan ko ang nobya mo para maisalba ang mga inosenteng buhay na dinamay ni Lolo Oliver?” mahinang wika ko pero may diin ang bawat pagbigkas ko.

Taming The Alpha (Taming Series 1)Where stories live. Discover now