Chapter Four

3.7K 127 4
                                    

Chapter Four

* * *

Veronica Van Smith

ONE WEEK later…

Nagising ako dahil sa isang malakas na katok. Hindi ko pinansin ‘yon. Nanatili akong nakahiga pero nakabukas na ang aking mga mata. Napatingin ako sa bintana. Natigigilan akong napatitig doon.

Swaying curtains. Kalahating bukas ang bintana kaya may nakapasok na malamig na hangin sa loob. Kaya pala nakaramdam ako ng malamig na hangin kanina.

Wait! Parang may mali. Sarado kagabi ang bintana ko. Bakit ngayon bukas na? May nakapasok ba? Impossible. Mataas ang bahaging ito. Walang sino man ang makapasok.

Bigla naman akong kinabahan dahil doon. Mabilis akong bumangon at lumapit sa bintana. Inilibot ko ang paningin sa labas. Walang bakas na kahit ano roon.

Peaceful. Napangiti akong tumingin sa garden na malinis at maayos. Kahit wala pang bulaklak akong naitanim, nagandahan na ako.

Mataas na ang araw. Naramdaman ko ang init na tumama sa aking balat. Medyo natanghali pala ako nang gising.

Napasarap ako ng tulog. Malaking himala talaga. Hindi kasi ako makatulog kung hindi ko sariling kama at k’warto. Laking gulat ko talaga na nakatulog ako ng mahimbing. Great! Feel ko lang kasi nasa bahay ako.

Isang linggo na ako rito. Wala namang pinagbago. Creepy pa rin ang lugar. Hindi ko rin nakita ang sinasabing amo raw namin. Hindi rin ako nilibot ni Aling Simang. Hindi rin kami masyadong nag-uusap, basta binibigyan niya lang ako ng gawain.

Ang una niyang pinagawa sa akin ay linisan ang nasa labas ng bahay. ‘Yon lang ang paulit-ulit kong ginawa hanggang matapos ang isang linggo. Kahit paano naging maaliwalas ang nasa labas ng mansion. Malapit ko na rin matapos, at sa palagay ko may tumutulong sa akin dahil paggising ko sa umaga, ang magulong iniwan ko ay nilinis na. Kahit creepy hindi ko na lang pinansin.

Napangiti kong inayos ang higaan ko. Pagkatapos ay inihakbang ko ang aking mga paa sa pintuan para tingnan kung sino ang kumatok.

Sino kaya ang kumatok, naalala ko tuwing Lunes may pinupuntahan si Aling Simang. Maaga pang umalis. Pero siguro nakarating na si Aling Simang, mataas na naman ang araw.

Pagbukas ko ng pinto bumungad sa akin ang mukha ni Aling Simang. Gulat pa siyang nakatingin sa akin. Nagtaka naman ako kung bakit gulat na gulat siya.

“Magandang umaga, ho, Aling Simang,” nakangiting bati ko. “Uhm... bakit po? Nagulat ko po ba kayo? Nakakagulat po ba ang hitsura ko ngayon?” walang preno kong tanong. Inayos ko rin ang sarili ko baka nagmumukha akong bruha sa harap niya.

Umiling lang si Aling Simang habang nakatingin sa akin. “Magandang umaga din hija...” Sandali naman siya ngumiti sa akin. “Wala naman hija, nagulat lang ako dahil hindi pa nga ako kumatok nabuksan mo na agad ang pinto,” dagdag niya.

Kumunot naman agad ang noo ko. Hindi siya ang kumatok sa pinto ko? Sino pala ang kumatok dito kanina? Kung hindi siya. Sino?

Teka! Baka ang amo na tinutukoy ni Aling Simang? Baka gutom? Baka ginising na ako dahil late na ako sa gawain ko? Kahiya kung siya. Pero… ano kaya ang hitsura niya? ‘Yong nasa portrait ba na nasa ikatlong palapag na nakita ko na may gintong mata? Hindi naman siguro.

Taming The Alpha (Taming Series 1)Where stories live. Discover now