Chapter Nineteen

1.5K 42 8
                                    

Chapter Nineteen

* * *

Veronica Van Smith

SIMULA nang sinampal ako ni Daddy ay hindi na ako lumabas ng silid. Nagpapahatid na lang ako ng pagkain at nagkulong sa kwarto. Kung aalis si Daddy ay doon na ako lumabas. Buong gabi ang duty ni Daddy kaya walang hadlang kung lalabas ako ng kwarto. Naiinis akong makita siya dahil sa biglaan niyang pagsampal sa akin noong umuwi ako sa amin. Hindi ko makalimutan iyon.

Tuwing gabi ay pumupunta ako sa silid ng aking mga Lolo pero panandalian lang dahil baka mahuli ako. Mahirap na. Kahit wala pa ang mga Lolo ko sa mansion kailangan ko pa ring mag-ingat.

Gusto kong tuklasin ang dapat kong tuklasin, gusto kong alamin ang kailangan kong malaman. Gusto kong tuklasin kung ano kaming nilalang. Kailangan kong matuklasan ang nangyari noon.

Sa aking pagpunta sa silid nila ay may natuklasan akong kakaibang bagay. Mga bagay na hindi ko alam noon. Mga bagay na tinago sa akin ng aking pamilya. I’m not a normal person. We’re not normal. My Mom is a witch, and my Dad is a wolf. Ang pamilya pala ng aking ina ay mga mangkukulam at ang pamilya ng aking ama ay mga lobo.

So, what am I? I am half-witch and half-wolf?

Napahawak ako sa dibdib ko. Hindi ko maiwasang hindi kabahan sa aking nalaman.

Bakit nila tinago sa akin ito? I got it now, kung bakit ako makakita sa dilim. It wasn’t a special ability but it’s really within me. I am a witch-wolf. Kaya pala marami akong mga libro na nabasa tungkol sa werewolves, vampires, witches at iba pang nilalang sa silid-aklatan ng mansion.

Mahigpit kong hinawakan ang golden bullet pendant. May nakaukit ngang Van Smith sa bala. Ito ay kombinasyon ng apelyido ng ama’t ina ko. Sa kanila nga ito ni Lolo. Pero sino ang humawak nito? Si Lolo Oliver ba o si Lolo Alessandro?

Lolo Oliver is a wolf. Siya siguro ang humawak nito dahil si Lolo Alessandro ay isang witch. He can’t kill someone or they played it both. If my grandfathers’ did it, why did they kill the pack of McMahon? What they are aiming for?

Dahil salot? Lolo Oliver is a werewolf too. He can’t say that.

Sumakit ang ulo ko sa sobrang pag-iisip. Bakit hindi ko alam ito? Bakit?

Nasa silid ako ngayon ni Lolo Oliver. My body stiffened when I heard footsteps coming to the room where I am investigating, not only for one person’s footsteps but many. I guess three of them. Nagpasalamat ako dahil biglang lumakas ang pandinig ko. Siguro, it’s wolf ability.

Naalarma agad ako dahil doon. Pinatay ko ang ilaw at mahinang inayos ang mga kalat. Nagtago agad ako sa sulok kung saan hindi ako makita pero ako ay p’wede ko silang makita.

Sino kaya ito? Si Dad kaya? Pero marami sila, naramdaman ko.

Takot at kaba ang naramdaman ko nang makita kong bumakas ang pinto. Pumasok ang tatlong tao sa loob. Napahawak ako sa aking bibig nang makita ko kung sino ito. It’s Dad, Lolo Oliver, and Lolo Alessandro. They arrived. When?

Kaya ba pinauwi ako ni Daddy sa mansion dahil darating ang mga Lolo ko? May nililihim nga ang aking ama.

Masaya akong makita ulit sila pero hindi ako mapakali at biglang kinabahan dahil umuwi sila dito sa mansion ng biglaan. I don’t know why.

Habang nakatitig ako sa kanila sa siwang ng aking pinagtataguan ay naramdaman ko ang kanilang nakakatakot na presensya. Presensyang ma-awtoridad. Presensyang makatindig ng balahibo. Kahit sila ay aking mga Lolo, hindi ko maiwasang manginig sa presensya nila. Dahil siguro sa nalaman ko na sila ang pumaslang sa pamilya ni Lanz? O dahil parang hindi ko na sila lubos na kilala?

Taming The Alpha (Taming Series 1)Where stories live. Discover now