Chapter Ten

3.1K 100 1
                                    

Chapter Ten

* * *

Veronica Van Smith

NASA hapag-kainan na kaming tatlo, si Aling Simang naman ay abala sa pag-aayos ng mga pagkain sa lamesa.

“Umupo na kayo,” wika ni Aling Simang.

Umupo agad kami sa aming upuan. Magkatabi umupo ang magkasintahan. Umupo naman ako sa tapat nila. Ngumiti ako nang magtama ang mga mata namin ni Farah.

“Manang, tama na ‘yan. Kumain na tayo,” malambing na wika Farah at nagsimulang maglagay ng pagkain sa plato niya. Tumigil naman si Aling Simang at umupo na lang din.

Nagsimula na kaming kumain lahat. Abala ako sa pagsubo ng pagkain ko pero sila ay abala naman sa kanilang usapan. Minsan sumasagot naman ako kung may tanong sila sa akin. Nag-usap sila ng kahit na anong topiko at hindi ako maka-relate sa kanilang pinag-uusapan. Nanatili na lang akong tahimik habang kumakain. Wala naman akong masabi kahit madami akong dapat sabihin.

Bakit wala ang lalaking pumunta sa kwarto ko kanina? Bakit hindi namin siya kasabay kumain? Sino iyon?

“Bakit hindi natin kasamang kumain ang kapatid mo Farah?” usisa ko. Hindi ko maiwasang hindi magtanong tungkol sa kapatid ni Farah. Hindi kasi mawala sa isip ko ang mukha ng lalaking nasa portrait na siyang nagnakaw ng halik sa labi ko. Baka kapatid iyon ni Farah. Kapatid nga ba?

Napatigil naman sila sa kanilang pagsubo at napatitig sa akin. Walang kurap na tumitig sa akin ang tatlong kasama ko. Napakunot naman ang noo ko sa kanilang reaksyon.

“Hija, tama ba ang narinig ko? Tinatanong mo kung bakit hindi natin kasama ang kapatid ng kaibigan mo? G-Gusto mo bang malaman ang katotohanan, hija?” may kabang tanong ni Aling Simang na siyang ikinagulat ko at nagbigay sa akin ng kaba.

Katotohanan? Anong katotohanan naman iyon? May nilihim nga siguro sa akin ang kaibigan ko. Siguro totoo ang nakita ko sa ikatlong palapag. Kaya pala ipinagbabawal akong papuntahin sa ikatlong palapag. Nagsimula namang lumakas ang pagtibok ng puso ko na parang gusto nitong lumabas sa hawla.

“P-Po? Anong katotohanan po?” naguguluhang tanong ko. Nagpalipat-lipat naman silang tatlo ng tingin. Nakapagtataka.

“Gusto mo ba talagang malaman kung bakit hindi natin kasama sa pagkain ang kapatid ko?” seryosong tanong ni Farah sa akin kaya napako ang tingin ko sa kanya.

“Oo, gusto kong malaman. Bakit hindi natin siya kasamang kumain ngayon at bakit hindi ko siya nakita? Bakit ‘di mo siya pinakilala sa akin?” sunod-sunod na tanong ko, hindi ko pa rin inalis ang titig sa kanya.

Huminga muna si Farah ng malalim bago ako sinagot. “Masama ang pakiramdam ng kapatid ko. May sakit siya kaya hindi siya nakalabas ng kwarto. I’m sorry, hindi pa siguro tamang panahon na magkita kayo,” malungkot na sagot ni Farah. Nakita ko ang lungkot at pangungulila sa kanyang mga mata. Agad na lumambot ang puso ko sa nakita kong lungkot sa mga mata ni Farah.

“I-I’m sorry… Farah, sana hindi ko na lang tinanong.”

“It’s okay. You deserve to know the truth anyway,” makahulugang wika ni Farah. Ngumiti lang siya ng tipid sa akin at nagpatuloy sa pagkain.

Taming The Alpha (Taming Series 1)Where stories live. Discover now