Chapter Twenty-Two

796 29 0
                                    

Chapter Twenty-Two

* * *

Veronica Van Smith

"UMAYON talaga sa panahon ang aking kaarawan dahil kabilugan iyon ng buwan," nakangising wika ni Lolo Oliver.

"Sigurado ka bang pupunta ang mga McMahon sa kaarawan mo? Sigurado ka bang tatanggapin nila ang imbitasyon?" boses iyon ni Lolo Alessandro. Napahalakhak lang si Lolo Oliver. Ramdam ko ang malademonyo nitong ngiti.

Pinag-uusapan naman nila ang mga McMahon. Kahit nasa labas lang ako ng silid-aklatan na sakop ng kwarto ni Lolo Oliver dinig ko pa rin ang nakakakilabot na halakhak nito. Nakakakilabot na parang nanlamig ang buo kong sistema.

"Siguradong-sigurado. Kung pumalpak man, gamitin natin ang anak ni Veronnie. Alam kong may namamagitan kay Veronica at sa lalaking McMahon."

Nanlamig ako sa aking narinig. Seryoso talagang gamitin ako nila? This is really a serious case. Hindi ko alam ang gagawin ko. Nangangatog ang tuhod ko sa sobrang kaba at takot.

"Apo ko siya, Oliver. Hindi ko hahayaang madamay at mapahamak ang pinakamamahal kong apo. Kadugo ko siya. Nawala na sa akin ang anak ko, ayaw kong pati ang apo ko ay mawala rin sa akin dahil sa paghihiganti mo sa McMahon," may diin ang pagkabigkas ni Lolo Alessandro. Mukhang alam na alam ni Lolo Alessandro ang nangyari at ang planong paghihiganti sa pamilya ni Lanz.

"Sandro. Sandro. Pinatay ang anak mo ng isang McMahon. Hindi ka ba maghihiganti? If you won't then don't, but I will revenge my shattered life. Sinira nila ang buhay ko. Kaya pagbayaran nila ang ginawa nila sa akin." Ramdam ko ang galit sa tono ng pananalita ni Lolo Oliver.

Malinaw na sa akin. Sinira ng McMahon ang buhay niya? Isa siyang McMahon pero bakit sinira ng kapamilya niya ang buhay niya? Sa anong rason?

Hindi na ako nakinig pa. Nagmamadali akong umalis papunta sa aking kwarto. Kailangan ko na talagang mabasa ang Diary ni Lolo Oliver.

Nang makapasok ako sa kwarto, mabilis agad akong pumunta sa harap ng malaking portrait na nakasabit sa dingding. Nandoon kasi ang secretrong lugar na nilalagyan ko ng mga importanteng bagay na tanging ako lang ang nakakaalam. Kinuha ko agad ang makapal na parang libro-ang Diary ni Lolo Oliver. Pagkatapos ay inayos ko agad ang aking portrait. Si Mommy ang nagguhit sa portrait ko na ito. Ito ang huling regalo niya sa akin kaya ingat na ingat ako sa paggalaw.

Umupo ako sa kama at nagsimulang buklatin ang bawat pahina. Kinuha ko muna ang litrato ng pamilya ni Lolo Oliver, pamilya ni Lanz at ang litrato ng magkapatid na Oliver at Xander. Tinitigan ko ito nang maigi. Matagal na yata ito dahil luma na ang litrato, kupas na ang tinta pero klarong-klaro naman mga hitsura nila.

Maraming pumasok sa isipan ko na mga tanong at mukhang malapit ko nang malaman ang kasagutan.

Unang pahina ay walang laman, gano'n rin ang pangalawa at hanggang sa huli. Gano'n pa rin noong unang pagbuklat ko rito. Nagtaka naman ako kung bakit. Mukhang may pinag-iingatan na sekreto ang talaarawan na ito.

Binalikan ko ulit ang litrato baka may makuha akong sagot kung paano makita ang mga nakasulat sa talaarawan ni Lolo Oliver. Napatitig ako kay Lolo Oliver na bata pa. Sa kanyang braso may hawak itong makapal na libro na tulad ng libro na nasa harap ko. Matagal na pala ang talaarawan na ito. Dito nga nakasulat ang lahat. Pero paano ko ito mabuksan? Wala naman akong makitang sagot sa sarili kong tanong.

Binaliktad ko ang litrato na dalawa lang sila ni Lolo Oliver at ang kapatid niya. May nakita akong maliit na nakasulat sa ilalim ng Oliver and Xander. Hindi ko ito natingnan noon dahil nagmamadali ako. Ngayon ko lang natingnan ng maigi.

"Blood is thicker than water. However, water is better than blood." Tumaas ang kilay ko sa nabasa. It was just a quotation and I know there's hidden meaning in it. Inulit-ulit ko pa ito nang maraming beses. Mukhang dito ko makuha ang sagot.

Taming The Alpha (Taming Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon