Chapter One

6K 159 6
                                    

Chapter One

* * *

Veronica Van Smith
 
“VERONICA! Itigil mo nga ang paglalakwatsa mo. Beinte uno ka na, hindi pa rin matino ang isip mo? Maghanap ka ng trabaho. Paano na lang kung wala na ako sa buhay mo? Ewan ko sa’yong bata ka!” gigil na wika ng aking ama. Inis niyang hinaplos ang kanyang mukha.

“Daddy! Hayaan mo nga muna ako. You know that I’m adventurous. I want to travel around the world. I want something new. Something mysterious. Wala pa sa isip ko ang magtrabaho,” magalang na tugon ko sa kanya.

Sumalubong naman ang kilay ni Daddy sa aking sagot. Napahawak naman siya sa kanyang batok dahil sa inis. Napayuko siya para itago ang lungkot sa kanyang mga mata. Siguro naalala niya si Mommy. Even me, I can’t stop thinking about my mom. I regretted it. Until now I’m still blaming myself.

“Wala ka namang makukuha riyan sa pag-adventure mo. Hindi ka talaga nag-iisip sa nangyari noon. Alam mo namang nawala ang ina mo dahil d’yan? Gusto mo bang ikaw rin ay mawala sa akin? I won’t let that happen again,” may diing wika ni Daddy. Agad niya naman akong tinalikuran. Halata sa boses niya ang lungkot pero mas nanaig ang galit niya sa akin.

“I’m sorry, Daddy!” mahinang usal ko at hinatid na lang siya ng tingin.

Nag-iisa lang akong anak. Ang ama ko na lang bumubuhay sa akin. Siya ang nagtayong ina’t ama ko dahil nawala na ang aking ina. Namatay siya noon ng hindi ko alam na nilalang, maraming naglalaro sa isipan ko na posibleng pumatay sa ina ko.

Hindi ko alam, hindi ko naman nasaksihan kung anong nilalang ang pumatay sa kanya. Pero, namatay siya dahil sa akin. Alam kong kasalanan ko ang lahat. Kung hindi ko kinulit si Mommy na mag-hiking noon sana hindi ‘yon nangyari. Sana buhay pa siya hanggang ngayon kasama namin.

Isang police officer ang ama ko pero hindi niya maresolba ang nangyari noon. Hindi niya matukoy kung anong nilalang ang pumatay sa ina ko. Alam kong karumal-dumal iyon. Alam kong hindi tao ang pumatay sa kanya batay sa mga nakita kong mga sugat ni Mommy. Isang mabangis na hayop ang pumatay sa kanya–lobo, bampira o kung anong nilalang na nakatira doon.

Hindi naman sa pagmamayabang, mayaman naman ang pamilya na kinagisnan ko. Mayayaman ang mga Lolo’t lola ko. Maraming negosyo at pagmamay-ari na lupain. Businessman ang mga tiyuhin ko sa side ni Mommy. Gano’n din ang mga kapatid ni Daddy. Ewan ko nga rito kay Daddy kung bakit naging pulis siya. Wala sa linya nilang Smith na ganyan ang trabaho. Lahat ay may mga negosyo. Si Daddy lang ang nag-iba sa kanila ng propesyon.

May ipinamanang negosyo si Lolo Oliver kay Daddy pero iba ang nag-manage nito, ang mga pinagkatiwalaang tauhan ng pamilyang Smith. Ako dapat ang mag-manage sa negosyong ipinamana kay Daddy dahil tungkol sa business ang natapos kong kurso pero umayaw ako. Tinatamad pa akong magtrabaho. Gusto ko munang mag-enjoy sa buhay.

* * *

BINABA KO ang tasang hawak ko nang may naramdaman akong presensya sa harapan ko. Sinalubong agad ako ng matamis na ngiti ni Farah. Isa siya sa matalik kong kaibigan pero hindi niya sinabi ang kanyang apelyido o mga personal matters. Kahit gano’n tinuring naming magkaibigan ang isa’t isa.

Nakilala ko siya noong nag-hiking ako sa Bundok ng Lebanese o Lebanese Mountain. Pareho pala kami ng hilig. She’s an adventurer. Mahilig din manguha ng mga litrato sa mga napuntahang lugar. Kaya magkasundo kaming dalawa.

Taming The Alpha (Taming Series 1)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum