Chapter Twenty-Nine

816 29 0
                                    

Chapter Twenty-Nine

* * *

Veronica Van Smith

SA LOOB nang isang buwan, hindi na nga ako ginulo ni Lolo Oliver dahil alam niyang ipinagtaboy na ako ni Lanz. Hindi niya na ako ginawang pain para kay Lanz. Pabor naman iyon sa akin dahil ang isang buwang katahimikan ay ginugol ko para matutunan lahat ng spells, potion, lason at iba pang bagay na ginagawa ng isang witch. I practiced combat too.

Palaisipan pa rin sa akin dahil hindi man lang nagwala si Lolo Oliver nang malaman niyang naitakas si Farah. Duda pa rin ako sa koneksyong mayroon sila ni Lolo Oliver at Davin. At ang nakakagulat ay nabalik na ang talaarawan ni Lolo Oliver sa kanyang bookshelf sa kwarto niya na hindi man lang alam ng matanda na kinuha ko iyon. Iniwan ko ‘yon kay Lanz noon, pero bakit agad na bumalik?

I’m still asking myself who the hell put the diary of Lolo Oliver on his bookshelf. Si Lanz ba o si Davin? Magpasalamat na lang ako sa nagbalik ng talaawaran ni Lolo Oliver dahil kung hindi ‘yon nabalik siguro magwawala naman iyon. In my mind, I felt that Lanz did it. Ito siguro ang pakay niya noon? Kung si Davin ang pakay niya dahil sa sinabi ko, sigurado akong magkakagulo at mapaaga ang digmaan.

Si Lolo Oliver ay busy sa rin paghahanda sa loob ng isang buwan, balita ko’y planong sasalakayin niya at ng kanyang mga tauhan ang teritoryo ni Lanz. Paslangin niya si Lanz at ang kanyang kapanalig. Kung matagumpay, kunin ang pagmamay-ari ni Lanz.

Experimetong tauhan pala ni Lolo Oliver ang nakakulong doon sa Underground na pinuntahan namin. Bihag iyon ni Lolo Oliver pero ginawa niyang tauhan na tagasunod sa kanya. Nalaman kong pinainom ng pinaghalong lason at dugo ni Lolo Oliver ang mga nilalang na nakakulong sa Underground para mapasunod ni Lolo Oliver sa isang utos niya. Ang mga lason ay gawa ni Lolo Alessandro.

Tumulong na kasi si Lolo Alessandro at Daddy sa paghahanda ng mga gamit pandigma. Mukhang nagkagaanan naman sila ng loob. Mukhang tinupad ni Lolo Alessandro at Daddy ang kanyang plano na maging sunod-sunuran kay Lolo Oliver.

I shrugged my shoulders. Iniwaksi ko sa ibang bagay ang aking pag-iisip. I sighed.

Inisip ko ang mga bagay-bagay na nangyari noon. Pilit kong ibinanalik sa aking alaala. Kaya pala napanaginipan ko rin si Mommy na magsabing mag-ingat ako dahil napapalibutan nga ako ng mga sinungaling na tao. They all lied to me. Hindi nila sinabi sa akin na ako ay half-witch and half-wolf. Akala ko normal lang kaming tao pero hindi.

I sighed again. Ipinikit ko na lang ang aking mga mata. I tried to digest all the happenings but I still can’t believe it.

Hindi ako masyadong nakipag-usap sa kanila dahil nagmumukmok lang ako sa kwarto na buong akala nila ay apektado pa rin ako sa nangyari sa amin ni Lanz. Apektado naman talaga ako pero itinuon ko ang atensyon sa pag-aaral ng kakayahan ko bilang isang witch.

Wala na kaming koneksyon ni Lanz sa isa’t isa. Hindi niya ako binisita o kinamusta sa mansion. Kahit si Davin ay wala rin. Wala na rin akong balita kay Farah kung okay na siya ngayon at kung nasa kamay na siya ni Lanz. Noong isang buwan ang huli naming pag-uusap ni Lanz. Hindi ‘yon maayos dahil hindi kami nagkaunawaan.

May nalaman akong mga tauhan ni Lanz na pinadala rito para magmanman pero hindi man lang sila nakapasok sa mansion dahil nabisto agad sila. Pasalamat lang sila dahil tinulungan ko silang makatakas na hindi nalaman ni Lolo Oliver. Dahil kung hindi, siguro bihag na sila ngayon.

Napahawak ako sa aking ulo dahil naalala ko kung paano ko na kausap ang tatlong Alpha ng bundok ng Lebanese.

“Don’t worry, I’m harmless. I know that you’re the mate of Alpha Lanz. You can continue crying… I will watch you, okay?” His voice was serious but gentle.

Taming The Alpha (Taming Series 1)Where stories live. Discover now