Chapter Fifteen

2.1K 71 6
                                    

Chapter Fifteen

* * *

Veronica Van Smith

I REALLY enjoyed riding on his back every time we spend time together. He cared for me like a treasure and I love it. Sa paulit-ulit naming pagpasyal sa teritoryo niya ay halos masaulo ko na ang pasikot-sikot sa buong lugar. Tuwing may makasalubong kaming tauhan niya ay nagbigay-galang agad sa aming dalawa. Nalaman ko kung gaano siya hinahangaan ng kanyang kalahi dahil mapagmahal at responsible siyang Alpha. Nalaman ko ring maraming babae ang nabaliw sa kanya pero hindi niya binigyan ng pansin dahil ako lang daw ang mahal na mahal niya.

Napangiti na lang ako nang maalala kong pinakilala niya ako sa kababaehang may gusto sa kanya. Nakakakilig ‘yon. Kitang-kita ko talaga kung paano nagbago kanilang hitsura. Ang ibang babae ay natutuwa, ang iba ay naiinggit, at ang iba naman ay inis at galit sa akin.

Sorry na lang sila dahil ako na ang nagmamay-ari sa puso ng Alpha na kinababaliwan nila.

Ngayon, mamasyal ulit kami sa teritoryo niya. May lugar daw siyang ipakita sa akin na hindi pa namin napasyalan.

Saan kaya ‘yon? Na-excite naman ako dahil doon.

Napangiti ako dahil ang sweet niya nitong nakaraan kahit busy siya sa kanyang tungkulin bilang Alpha. Kahit busy siya ay hindi niya pa rin ako binabalewala. Pinaramdaman niya sa akin araw-araw ay mahal na mahal niya ako.

Kasalukuyang nakasakay ako sa likuran niya. Naramdaman ko ang init ng kanyang balahibo na dumadampi sa aking balat. Naramdaman ko ang kanyang init na pagmamahal, nagbigay naman iyon sa aking puso ng saya.

Mahigpit akong kumapit sa kanyang leeg nang maramdaman ko ang bilis ng kanyang pagtakbo. Nagliparan naman ang mahaba at maalon kong buhok. Sumabay ito sa hangin na dumadampi sa aking mukha. Kahit mabilis ang kanyang pagtakbo, iniingatan niya pa rin ako na hindi malaglag. Kahit mabilis ang kanyang pagtakbo ay parang napakabagal iyon sa akin, halos ang buong paligid ay bumabagal.

I closed my eyes and opened my arms widely. I let the cold breeze embrace me. Nanuot sa aking kalamnan ang lamig kaya napayakap ulit ako sa leeg ni Lanz.

“I love you, my Alpha,” I whispered. Nakangiti kong inimas-himas ang balihibo niya at hinalik-halikan iyon. Mas lalong lumaki ang ngiti ko nang maamoy ko ang pabango niya. Hindi ko akalain na ang lobong ito ay mamahalin ko.

Tumigil kami sa isang lugar na hindi familiar sa akin. Bumaba ako galing sa likod niya at nilibot ang paningin sa paligid. Bumungad sa akin ang kulay berdeng kapatagan. Sobrang lawak na kapatagan.

Sa gitna ng kapatagan, may nakita akong malaking puno ng pine tree at sa taas nito ay may isang hindi kaliitan na bahay. Yari lahat ito sa kawayan pero ang bubong nito ay yari sa dayami ng damo. Maganda ang pagkaayos ng bawat kawayan, eksaktong-eksakto ang pagtama sa bawat parte ng bahay. Ang hagdan nito ay yari sa malaking lubid. Nakabitay ito galing sa taas at abot sa lupa. Tinatangay at sumasabay pa ito sa ihip ng hangin. Mahogany barnish ang nagsisilbing kulay at pintura ng tree house, magara siyang tingnan. May hanging plants pang nakakabit sa puno ng kahoy na siyang nagbibigay ng ganda sa tree house.

“Wow! Is this yours?” manghang tanong ko sa kanya. Hindi ko inalis ang tingin sa tree house na nasa harap ko. Hindi ko mapigilan ang sarili na hindi mapanganga. Napakaganda talaga, ibang-iba talaga.

“Yes, it’s mine. Do you like it?”

Humarap ako sa kanya at binigyan siya siya ng matamis na ngiti sabay tango ng ulo. Nakadamit na siya nang lumingon ako sa kanya.

“Do you want to climb, sweetheart?” Hinawakan niya ang aking kamay at lumapit siya sa hagdang lubid. Hinawakan niya rin ito gamit ng isa niya pang kamay para hindi magpasuray-suray.

Taming The Alpha (Taming Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon