Chapter Three

4K 141 5
                                    

Chapter Three

* * *

Veronica Van Smith

“IKAW BA ang natanggap namin na nag-apply rito?” ani ng malamig na tinig.

Napapitlag ako dahil sa gulat nang may nagsalita sa likuran ko. Halos atakehin ako sa puso sa sobrang kaba. Halos manginig ang buo kong kalamanan nang marinig ko ang malamig nitong boses.

Dahan-dahan akong napalingon sa aking likuran. Nakita ko ang babaeng nakasuot ng pangkatulong. Nasa katandaan na siya dahil mapuputi na ang kanyang buhok. Napatitig siya sa akin, sobrang lamig pa ng tingin niya sa akin na para bang inusisa niya ako nang maigi. Nag-alinlangan akong ngumiti.

Kailan lang ito sa aking likuran? Ba’t hindi ko naramdaman ang presensya niya? Ganyan na ba talaga ako kalutang kanina pa?

“A-ah, h-hindi po ako nag-apply rito. Prox—”

“Halika na rito, hija. Bilisan mo dahil hindi pa gising ang amo mo. Pasok ka na,” malamig na wika ng matanda. Hindi niya ako pinatapos magsalita. Bakit naman gano’n?

Siya siguro ang sinasabi ni Farah na katulong. Sino siya? Bakit ang lamig niyang magsalita? Kilala ba ni Farah ang katulong? May koneksyon ba siya dito?

Madaming katanungan ang nabuo sa isipan ko ngayon na gusto kong mabigyan agad ng sagot.

Buong akala ko pagalitan ako dahil late na ako pero hindi. Walang sermon, pinutol lang ang salita ko.

Hindi na lang ako nagsalita dahil baka putulin niya naman. Ang weird niya, ha!

Nauna na siyang naglakad sa mahabang hagdanan patungo sa entrada ng bahay. Napalunok na lang ako sa sobrang kaba. Halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa sobrang lamig ng boses niya. Napahawak ako sa dibdib ko. Ramdam ko ang malakas na tibok ng puso ko.

Nang mawala na siya sa paningin ko ay mahina akong humakbang. Dumaan din ako sa dinaanan ng matandang babae kanina. Binilisan ko rin ang paghakbang hanggang sa makarating ako sa pintuan ng abandunadong mansion.

“Kaya ko ito. Be brave, Veronica. You want something mysterious, right? Kayanin mo!” wika ko sa aking sarili.

Bumuga ako ng hangin bago pinihit ang doorknob. Langitngit ng bisagra ang tanging narinig ko na para bang kinakalawang na. Nang makapasok ako sa loob ay binitiwan ko ang doorknob, nakagawa naman ng ingay dahil pabagsak ang pagsarado ng pinto.

Isang malalim na buntonghininga ang pinakawala ko bago iginala ang aking mga mata sa loob. Napanganga ako sa aking nakita dahil sobrang lawak at sobrang ganda ang nasa loob. Kung gaano kapangit ang nasa labas ay ibang-iba sa loob.

I blinked twice to make sure that I am not dreaming. I can help myself but scan the whole area.

Bumungad sa akin ang isang engrandeng hagdanan na gawa sa mamahaling bato na sobrang lawak at sobrang taas. Sa kalagitnaan nito ay nahati sa dalawa. Patungo sa kaliwa at sa kanan. May pa red carpet pa. Sobrang ganda. Parang nasa palasyo talaga ako. Kung mailawan ng chandelier na nakasabit sa itaas ay kumikinang pa. Grabe!

May nakaukit na kulay gintong estatwa sa entrada ng hagdanan–sa kanan ay ang bilog na buwan, sa kaliwa naman nito ay isang malaking aso na nakaharap sa bilog na buwan na nasa kanan. Maganda pero nanginig ako sa sobrang takot nang makita ko ang mga bagay na iyon. Hindi ko alam kung bakit. Parang pamilyar sa akin ang lahat.

I sigh for a moment. Kinalma ko rin ang sarili ko na hindi matakot. Be brave.

Ibinaling ko ang tingin sa ibang bahagi. All gold-plated chandeliers above the ceilings give more shining lights to illuminate the whole place. Everything I saw was very elegant–from the wide and shining floor that was made of marble, the porch above that can see the whole view of the grand ground floor, the arch, and endless pillars, the wide windows made of crystals, the huge and small exclusive paintings that hanging on the wall, the hallway, the decoration of every corner, and the endless lights made the whole place majestic in my eyes. Well-built house.

Taming The Alpha (Taming Series 1)Where stories live. Discover now