Chapter Twenty-Seven

727 25 0
                                    

Chapter Twenty-Seven

* * *

Veronica Van Smith

LUMAPIT AKO sa kanya na may galit sa aking mga mata. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa latigo na para bang ayaw kong pakawalan. Hindi ko pinahahalata ang panginginig ng kamay at tuhod ko. I acted like a merciless killer in front of her.

“N-No… please, Veronica. Don’t do this to me, I know you can’t hurt me,” she cried. Her words were soft and angelic. I know this is the soft side of Farah.

Gusto ko mang itigil ang gusto kong gawin pero ay hindi p’wede. Gusto ko mang lumuha sa harap niya pero ay hindi p’wede. Kailangan kong labanan ang sakit na nararamdaman ng puso ko. Nasasaktan ako sa gagawin ko.

Itinaas ko ang latigong pilak na para bang hahampasin ko na siya. Napapikit naman siya at hinihintay ang hagupit nito. Ibinaba ko ang kamay ko na may hawak na latigo at nagpakawala ng halakhak.

“Scared?” Patuloy akong humalakhak na parang demonyo na ako sa harapan niya.

Matalim ang titig niya sa akin. I stopped laughing and raised my left eyebrow because of her reaction.

“I… am not scared, Veronica! I am not fvcking scared! Go! Hit me! Ito naman ang gusto ng Lolo mo ‘di ba? Mga mamamatay tao kayo!” she shouted. Halatang-halata sa boses niya ang galit. Nagawa pa niyang ilabas ang kanyang pangil kahit nanghihina siya.

Mga mamatay tao? Parang pinipiga ng mabigat na bagay ang puso ko. Masakit pa lang mapagsabihan ng gano’n.

Uminit bigla ang ulo ko sa sinabi niya. Nakaramdam ako ng totoong galit at hindi na palabas. Napalunok ako at pinigilan ang galit na umusbong sa puso. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa latigo. Gusto na itong ihampas sa kanya pero hindi maaari.

“Ma… mamatay tao? Pinagsalitaan mo ba ang pamilya niyo? Baka nakalimutan mo, pinatay ng kapatid mo ang ina ko!” Gigil na gigil akong umikot-ikot sa kanya. We didn’t cut our gaze.

I’m sorry if I do this shit because this is the only way to prove that I am Lolo Oliver’s side.

“Three years ago… baka nakalimutan mong kinulong niyo ako sa mansion niyo para lang maging maayos ang kalagayan ng kapatid mo habang ako ay nababaliw sa sitwasyon ko at patuloy na nagtatanong kung bakit nagawa niyo sa akin iyon…”

“… pinainom niyo ako ng gamot na para bang natutulog ako at para bang panaginip lang ang lahat ng nangyari. Kinaibigan mo pa ako para pakabalik ulit ako sa mansion niyo. Nagawa mo pa akong linlangin at lokohin. How cruel you're, Farah?"

Gulat na gulat ang mga mata nito habang nakatingin sa akin. Oo, alam ko, sinabi ang lahat sa akin ni Lolo Alessandro. Alam ko, that was my traumatic past but I survived. I’m not mad about the past and I didn’t regret it. Hindi ako galit, mas nanaig sa akin na nakatulong ako. Okay na ako dahil alam ko na ang totoo. Dahil sa Lolo ko naging ganoon si Lanz. Pinatawad ko sila pero bakit ang pumaslang sa pamilya nila ay hindi nila mapatawad?

“Y-You k-knew it?” nauutal na tanong niya, hindi pa rin mawala sa mukha niya ang gulat.

“Yes, of course. And, now taste my wrath, Farah.” Mahigpit kong hinawakan ang panga niya. Nagpupumiglas pa siya at todo ang sigaw pero wala siyang magawa dahil nakagapos siya.

Hawak ko pa rin ang kanyang panga. Pilit ko itong pinabuka. Tinalikuran ko ang kamera at sa tantiya kong natakpan ng katawan ko ang kamera, maingat akong kumuha ng likidong gamot na nasa maliit na bote na nakaipit sa aking bra. Mabilis kong binuksan ang bote. Ipinainom ko agad ang potion sa kanya ng pilit. Nang maubos ito ay ibinalik ko sa loob ng aking bra. Inilapit ko ang aking bibig sa kanyang tainga.

Taming The Alpha (Taming Series 1)Where stories live. Discover now