CHAPTER 2

5.2K 142 0
                                    

"Where are we? " tanong ko nang huminto kami sa isang lugar na bago lang sa akin.

"Nandito tayo sa paborito kong lugar. Kung saan malaya kong nailalabas yung sama ng loob ko. " paliwanah niya ngunit wala sa akin ang tingin.

Nilingon ko ang pinagmamasdan niya. Ganun na lang ang pagkatulala ko nang makita ang buong lugar.

Kung ilalarawan ko ang ito ay wala akong masasabi kundi  napakaganda. It's a very quiet and calm place. It's refreshing my mind now. Itong lugar na 'to na magpapawala ng lahat ng sakit na nararamdaman mo dahil nga sa natural nitong ganda. 

 "I don't know that there was a place like this. Its so quite amazing... " I murmured. 

Nasa itaas na bahagi kami ng parang bundok na lugar na ito. Hindi siya gaanong malayo sa worst restaurant na pinanggalingan namin kanina. Hindi siya tago pero kaunti lang ang mga taong nandito. Mula dito sa taas makikita mo sa ibaba ang mga puno na sobrang daming bulaklak na merong different colors. Nakakaginhawa sa pakiramdam. 

"Gawin mo na. " wika niya na pinagtaka ko. Napalingon ako sa kanya na may nagtatanong na tingin. "Alam kong sobrang bigat ng feelings mo ngayon. Isigaw mo lang lahat ng gusto mong sabihin. Isipin mo na ang kawalan ay yung mga tao o bagay na nanakit sayo. Isigaw mo ang hinanakit mo at pagkatapos nun, isang magandang pakiramdam ang mararamdaman mo. " she smiled. "Maniwala ka. "

I smiled at her. She was sincere of what she've said. I'd took a long breathe and then close my eyes.

"Samantha Gonzales! You are so impossible! Hindi ko alam kung anong nagawa kong masama sayo! I gave  everything you want! Saan ba ako nagkulang? Dalawang taon ang tinagal natin, nagtitiis ka lang pala! Hindi ko na alam ang gagawin ko. Masyado mong ginulo ang buhay ko. Ginulo niyong lahat ang buhay ko. " nanghihina kong sigaw.

Hindi ko alam kung saan nanggaling ang tapang ko upang isigaw iyon. Sa kabila ng mga taong pinagtitinginan ako. Gusto ko lang maibsan kahit kaunti ang sakit na nararamdaman ko. Hindi naman ako nabigo dahil gumaan ang pakiramdam ko kahit papano.

Hinihingal pa ako nang tumingin sa babaeng nagdala sa akin dito. Nagulat pa ako nang makitang may butil ng luha na kumawala sa mata niya. Naaawa siyang tumingin sakin.

"W-why are you crying? " nakangiwing tanong ko.

"Ah! Na carried away lang ako. Sorry. " wika niya habang nagpupunas ng pisngi.

Napailing ako kalaunan ay sumilay ang ngiti sa aking labi. Nilingon kong muli ang bangin sa ibaba na punong-puno ng makukulay na puno at halaman. Talaga ngang nakakawala ng lumbay ang mga ganitong tanawin.

"Haha.. That's crazy! " tukoy ko sa ginawang pagsigaw kanina.

Totoo ngang nakakabaliw sumigaw ng malakas sa kawalan. Mag-eecho ang boses mo na maririnig ng ibang narito. Pero wala na akong pakielam kung sino mang nakarinig noon. Ang mahalaga ay nailabas ko ang gusto kong sabihin.

"Grabe pala pinagdadaanan mo ngayon. " nalulungkot niyang wika.

Mukhang nahawa siya sa kalungkutan ko ngayon nang makitang mag-iba ang kinang ng mata niya. Kung kanina kasi ay puno iyon ng saya, ngayon ay nabahiran ng lungkot at pag-aalala.

Huminga ako ng malalim at humarap ulit sa kawalan. Malakas pa ang tibok ng puso ko mula sa pagsigaw ko kanina. Nakakapagod.

"There's more. " sabi ko at bumwelo para ulit sumigaw ngunit pinigilan niya ako. "Why? " kunot noong tanong ko.

"Tama na yan."

"Akala ko ba isisigaw ko ang lahat ng gusto kong sabihin? " pangangatwiran ko.

My Life as a Personal Alalay (COMPLETED)Where stories live. Discover now