CHAPTER 54: Enjoy The Day

2.3K 70 2
                                    

Feya Reigh / Alien







"Pinatawad mo na ko? "

"Oo nga! Ang kulit! "

Dahil sa tuwa ko ay niyakap ko siya ng sobrang higpit. Nagtampo lang pala ang bruhang si Abby kaya ako iniiwasan at hindi pinapansin. Nako naman! May nalalaman na siyang ganito ah.

"Basta wag mo ng uulitin yon ah! Binibiro ka lang naman e! " may tampo pa rin ang tono niya.

"Opo ma'am, hehe sorry na. "

Bumitiw ako sa yakap at tumingin sa kanya. Nakakamiss din pala kahit papano ang presence niya.

"Mag-dinner ka na! " angil niya sakin.

"Busog pa ko. Kumain kami sa labas ni Sir Eirro. " kwento ko.

"Kayo ah! May hindi ba kayo sinasabi samin? " pagkilatis niya.

Napakunot ang noo ko.

"Baliw ka ba? "

"Bakit kaya biglang close sayo ni Sir Wayne? "

"Natural! Alalay niya! "

"Hindi naman siya ganon dati. "

"Hindi rin naman ako ganito dati ah . "

Natahimik siya.

"Nag-iiba talaga ang tao noh? Ako lang ata ang hindi. "

"Sinabi mo e! "

Hayss.. salamat talaga at kinausap na ko ng bruhildang to. Hanggat maaari ayokong may nakakatampuhan dito sa loob ng mansion. Kami-kami na nga lang dito tas mag-aaway pa kami. Wag ganun.

*

Kinabukasan, naggising ako nang may mabigat na dumagan sakin. Inunat ko ang katawan ko at naramdaman kong nalaglag siya sa kama ko. Dahil don ay agad akong napabagon at tumingin dito.

"Anong ginagawa mo dyan? " gulat kong tanong kay Abby.

Ang ganda ng pagkasalampak niya sa sahig. Ang sarap picturan at ipang-blackmail sa kanya.

Halata sa mukha niya na nasaktan siya kaya nahihirapan siya ngayon na tumayo.

"Grabe ka naman, Feya! Bakit mo naman ginawa yon? " lukot ang mukha niya.

Natatawa ako pero pinipigilan ko lang.

"E bakit mo kasi ako dinaganan? " takang tanong ko.

"Gigisingin dapat kita! Nasa labas kasi si Rayvick. Dinadalaw ka. " wika niya habang hinihimas ang likuran niya.

Hindi na ako nagulat nang malamang nandyan si Rayvick. Nasanay na ko na minsan ay nandyan siya at hindi man lang nagsasabi kung darating ba siya. Baliw din ang lalaking yon e.

"Sorry... paki-sabi sa kanya mag-aayos lang ako. "

"Ano pa nga ba? " iika-ika siyang naglakad palabas ng kwarto namin.

Mukhang malakas ang impact ng pagkabagsak niya.

Naiiling akong pumasok sa loob ng banyo at ginawa lahat ang dapat na gawin. Mabilisan lang akong naligo dahil baka mainip sakin si Rayvick.

Siniguro ko munang maayos akong tignan bago lumabas.

Habang naglalakad patungo sa pinto ay napansin ko agad si Madam Villa sa sala. Ganun pa rin ang parati niyang ginagawa. May hawak na newspaper at may tsaa sa center table. Kasabay ang medyo malakas na tugtog ng lumang awitin.

Alam kong madaraanan ko siya pero hindi na ako nag-abala pang batiin siya. Halata namang hindi niya ako napansin. Tsaka baka maulit pa ulit yung hindi niya pagsagot sa bati ko.

My Life as a Personal Alalay (COMPLETED)Where stories live. Discover now