CHAPTER 31: Complicated

2.7K 108 0
                                    

Hapon na nang makauwi ako ng mansion. Ganun pa rin, wala kang maabutang amo kundi puro kasambahay lang.

Hinanap agad ng mata ko si Imma. Nang hindi ko siya nakita ay tumuloy na ako sa kwarto ko.

Sobrang saya ko ngayong araw. Lumabas kaming tatlo nina Dex at Kylie. Nag date kaming tatlo, sagot lahat ni Dex. Nakakatuwa nga dahil nagdadabog si Kylie dahil para daw siyang third wheel. Haha.

Tungkol sa desisyon ko na pagbigyan ulit si Dex ay hindi ko yon pagsisisihan. Ako pa nga ang gustong gumawa ng first move para magkabalikan kami kaso hindi ko alam kung paano. Hanggang sa nangyari na nga ngayong araw na nagkaayos na kami.

Mahal namin ang isa't isa at naniniwala akong hindi na siya magloloko pa. 

"Feya, peram naman ng suklay mo. Di ko mahanap yung akin e. " ani Abby.

Nakaharap siya ngayon sa malaking salamin at ayos na ayos. Saan kaya ang lakad nito?

Inabot ko muna sa kanya ang suklay bago siya usisain.

"San ang lakad mo? "

Ngumiti siya ng malaki sa harap ng salamin at pinamulahan agad ng pisngi. Okay... I smell something fishy.

Kinikilig ang gaga.

"Makikipagkita ako sa kano. Nakilala ko siya facebook. Ang gwapooo kyaaah! " kinikilig niyang sabi.

Napangiwi ako.

"Sigurado ka ba dyan? Di ka ba natatakot sa mga kano? " tanong ko.

"Bakit naman? Mababait naman siguro sila noh! Wag ka ngang OA! " depensa niya.

Tumango ako at sumingkit ang mata ko.

"Marunong ka bang mag-english? "

Nawala ang ngiti sa muka niya at mukhang nanghinayang.

"Basic lang. Gusto mo samahan mo ko? Para naman may translator ako. " nakangisi niyang wika.

Mabilis akong umiling. Isa din ako sa hindi marunong mag-english noh! Don't me.

"Ayoko. Baka pagtawanan ako non. " pagtanggi ko.

Ngumuso lang siya. Napaisip ako ng kaunti. Makikipagkita siya sa kano, pano kung may gawing masama sa kanya yon. Hindi naman kasi lahat ay mababait. Yung iba ay may binabalak.

"Okay fine. Ako na lang. " umirap pa siya sakin.

Napa- tss na lang ako.

"Mag text ka sakin kung kahina-hinala ang kilos niya. Iba pag ganon. " babala ko sa kanya.

Umirap ulit siya sakin. Aba! Nakakarami na siya ng irap ah. Tanggalin ko kaya eyeballs niya?

"I know, okay. Marunong akong kumilatis. " usal niya.

"Bahala ka. " nasabi ko na lang.

Pinanood ko lang siya na matapos sa pag-aayos niya sa sarili. Maganda naman pala siya kapag naayusan. Ang cute ng pilik mata niya dahil makakapal at mahaba.

"Maganda na ba ko? " tanong niya.

Tumango lang ako.

"Sige, alis na ko. Nagpaalam na ko kay Aling Belen. Uuwi ako kapag gusto ko na. " sabi niya.

Tinanguan ko lang ulit siya.

"Tss! Mukha kang aso sa kotse. " naasar niyang sabi.

Tinanguan ko ulit siya.

"Argh! Makaalis na nga! "

Pabagsak niyang sinarado ang pinto pagkalabas niya.

Haha! Asar talo pala siya e.

My Life as a Personal Alalay (COMPLETED)Where stories live. Discover now