CHAPTER 66: Mysterious Caller

2.3K 62 9
                                    

Feya Reigh's POV

Kinaumagahan ay mabilis akong nag-ayos ng sarili handa sa pagpasok sa kompanya. Konti lang naman ang nga kailangan kong gawin doon at gusto king matapos ng mabilis dahil may kailangan akong gawin... or sabihin na lang natin na importanteng gawin.

"Ma'am, nasa baba po yung kaibigan niyo. Siya na raw ho ang maghahatid sa inyo sa trabaho."

Isang kasambahay ang sumalubong sa akin sa hagdan.

"Sino raw?"

Marami na kasi akong kaibigan at hindi ko na malaman agad kung sinong pumupunta dito sa bahay.

"Si Sir Troy ho."

Napataas ang isa kong kilay. Tsk! Ano na naman kayang nakain niya at nandito siya.

"Sige, salamat."

Nilagpasan ko na siya at nagtungo na ako sa kusina. Ako na ang naghanda ng almusal ko dahil magaan na trabaho lang naman ito. Hindi na kailangan pang ipautos sa kasambahay.

"Hello there, Ma'am De Silva. Nabalitaan ko yung nangyari sa brand new car mo... and I'm so sad about that that's why I'm here. Ako na maghahatid sayo."
Hindi na ko nagulat pa sa bigla niyang pag-eksena. Troy Perez is always a Trolls.

Binigyan ko siya ng masamang tingin. Hindi na nga maganda yung sinapit ng kotse ko, niloloko pa niya. E kung sa kotse niya kaya gawin ko yon? Hmp!

"Magta-taxi na lang ako." Tamad kong wika.

Sinimulan ko nang kainin ang pagkain ko. As usual... bacon, scrambled egg, and bread yung
kinakain ko with matching adult milk pa. Sige ako na feeling mayaman.

"Bakit pa? Nandito na nga ako? Hindi ka ba nahihiya sakin? Nag-effort pa kong pumunta dito tapos dededmahin mo lang! How dare you!" singhal niya.

Halos mabulunan ako. Sinusumbatan niya ba ko?

"First of all, sir Perez.. wala akong sinabi na pumunta ka dito. Second, kayang-kaya ko naman talaga."

Ngumuso lang siya at lumapit sakin. Akala ko kung anong gagawin niya yun pala kukuha lang ng breakfast ko.

Okay... pagbigyan. Nagdi-diet naman ako e. Hehe.

"Baka kaya ka lang pumunta dito dahil pagseselosin mo na naman si Amag?" panggigisa ko.

Naupo siya counter. Pinanglakihan ko siya ng mata para sabihing bumaba siya dyan dahil kumakain ako. Ano ba siya unggoy?

"You know what? Kahit ganun kaarte, selosa at mabunganga yung babaeng yon... the best pa rin siya magmahal. Alam mo yon? Yung feeling na masasabi mo na lang sa sarili mo na pano kaya kami naging mag-on ng babaeng to, e hindi naman siya ang ideal girl ko? At the end of the day, mapapangiti ka na lang dahil narealize mo na kahit ayaw mo sa ugali niya ay mapapamahal ka na lang sa kanya. She has her own way to make herself special. That's why I really love her. " nakatingin pa siya sa malayo habang binibigkas niya ang katagang yan.

May kung anong kumikislap sa mga mata niya. Tila ba inlove na inlove siya sa babaeng tinutukoy niya.

Miski ako din naman ay hindi makapaniwala sa dalawa kong kaibigan. Aso't pusa lang sila noon pero ngayon ay lovers na. Iba talaga nagagawa ng pag-ibig. Tsk!

"May balak na ba kayo magpakasal?" I asked.

"Wala pa sa isip ko yon. Enjoy muna namin ang pagiging mag-syota. Iba na kasi kapag mag-asawa na."

Oww... buti pa siya hindi niya naiisip ang mga bagay na yon. Samantalang ako nagbabalak nang magplano sa lalong madaling panahon. Alam ko naman kasing siya na. Hindi na kami pwedeng maghiwalay pa.

My Life as a Personal Alalay (COMPLETED)Where stories live. Discover now