CHAPTER 52: What's With Him?

2.6K 86 6
                                    

Feya Reigh.

Gabi ng linggo ngayon. Wala namang espesyal na nangyari nitong mga nakaraang araw.

Busy ako sa pagtulong kina Nay Belen na maghanda ng dinner para sa mga Ejercito. Maingay ang mga kumakalansing na kubyertos at pinggan. Seryoso ang mga mukha ng bawat isa.

"Hija, hayaan mo na sila dyan. Kumain ka na sa kusina, kanina ka pa walang kain. " utos sakin nito.

Umiling ako at pilit na ngumiti sa kanya. Ipinakita kong ayos lang ako. Ayokong mag-alala siya.

"Okay lang po ako. Ako na pong bahala dito. " wika ko.

Mahaba siyang bumuntong hininga at umiling. Kapag ginagawa niya yan ay pinapakita niyang sumusuko na siya sa katigasan ng ulo ko.

Nagpatuloy ako sa pag-aayos ng plato sa dining table. Inihain na rin ng iba pang kasambahay ang mga nilutong pagkain.

Kung iniisip niyo na may selebrasyon ngayon ay nagkakamali kayo. Normal na araw lang naman, walang mga bisitang darating.

"Feya, kumain ka na don. " utos ulit sakin ni Nay Belen.

"Hindi pa ako gutom, promise. Kakain po ako kapag nakaramdam ako ng gutom. " mahinahon kong wika.

"Nako, hija. Wala na kong magagawa sa katigasan ng ulo mo. "

"Pasensya na po. "

"Wag kang humingi ng tawad, normal lang yan. Sige dun lang ako sa kusina. "

Pinanood ko siyang umalis sa dining area. May katandaan na talaga si Nay Belen pero malakas pa rin.

Nang masigurong maayos na ang lamesa ay napagdesisyunan ko ng umalis. Nagtungo ako sa likod ng mansion puntahan si Copper. Wala akong narinig na tahol sa kanya. Tahimik ko lang siyang pinakain.

Tila napakalungkot ng araw na to. Parang hindi man lang ako nangiti at nakatawa ngayon. Mariin akong pumikit at umiling. Siguro ay hindi ko lang nagawa ang mga gusto kong gawin ngayon araw.

"Malungkot ka rin ba, Copper? " tanong ko habang hinahaplos ang balahibo niya.

Katulad ng inaasahan ko ay wala akong natanggap na sagot sa kanya. Naglapat ang mga labi ko.

Ano bang kulang ngayong araw sakin at hindi ako na-satisfied? Hindi dapat ganito kalungkot ang araw ko. Napapaisip ako.

Nag-iwan ako ng inumin niya sa tabi bago ako muling pumasok sa loob ng mansion. Nabaling agad ang atensyon ko sa dining area. Dalawang Ejercito lang ang naroon. Tanging si Sir Zayne lang at Sir Dennis.

Nasa kwarto pa rin siguro sina Imma at Madam Villa. Pansin kong hindi nag-uusap sina Sir Zayne. Tahimik lang silang kumakain.

May problema kaya?

Napakibit-balikat na lang ako at dumiretso na sa paglalakad patungo sa kwarto namin ni Abby. Naabutan ko siyang inaayos ang nga damit niya sa kanyang cabinet. Tahimik lang akong nagpatuloy.

"Hoy, Feya Reigh! Hindi ko ata narinig ang ngawa mo ngayong araw? " wika niya nang mapansing nakatulala lang ako.

"Wala akong gana, hindi ko alam kung bakit. " wala sa sariling sabi ko.

"Bakit? Hindi ba tumawag yung prince charming mo? "

Nagsalubong agad ang kilay ko.

"Pwede ba. "

"Hayss... baka busy lang yon. "

"Ano ka ba! Wala akong inaasahan ngayon noh! Manahimik ka na lang dyan. " banas kong sabi.

My Life as a Personal Alalay (COMPLETED)Where stories live. Discover now