CHAPTER 25: Worry

3.5K 131 1
                                    

Feya Reigh's POV!

Mag-isa akong naglalakad dito sa parke kung saan malapit ang apartment ko. Gusto ko lang muna mapag-isa. Umalis ako sa ospital dahil maingay masyado ang mga tao doon. Lalo lang sumasama ang pakiramdam ko.

Akala ko ay wala akong maisusuot na damit pero nakita kong may nakahandang white shirt sa tabi ko. Oversize sakin pero sanay naman na ako.

"Ate Feya? "

Nabaling ako sa batang lumapit sakin. Si Chichay pala, kapatid na ang turing ko sa kanya pero ngayon ko na lang ulit siya nakita.

"Ba't ka po umiiyak? "

Napahinto ako at kinapa ang pisngi ko. Hindi ko namalayang umiiyak na naman ako. Palagi na lang... dapat nasasanay na ko.

"Wala ito, Chichay. Halika dito samahan mo si ate. " umusog ako ng kaunti para makaupo siya.

"Si Kuya Troy, hinahanap ka palagi sakin. " malungkot niyang sabi.

Hindi na ako nagtaka pa kung bakit ako hinahanap ni Bespar. Nabalitaan niya rin siguro ang nangyari sakin.

Suminghot muna ko bago nagsalita. Ang hirap palang magpigil ng luha. Ayoko kasing nakikita ito ng bata, hindi ako magandang halimbawa.

"Miss ko na siya, Chichay. " naiiyak ako pero pinipigilan ko lang.

"Sino ate? "

Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. Natutuwa ako sa sarili ko dahil sa bata pa talaga ko nagpapa-comfort. Wala e, ayokong gambalain ang mga kaibigan ko. Makakaistorbo lang ako sa kanila.

"Kung ikaw ba niloko anong gagawin mo? " tanong ko habang nakayakap sa kanya.

Bumitiw siya sakin at kunot noo akong tinignan. Sinuklian ko naman siya ng pilit na ngiti.

"Ayaw kong niloloko ako, ate. Baka hindi ko na sila pansinin kapag nigawa nila sakin yun. " nakanguso niyang sabi.

Bahagya akong natawa sa naging sagot niya. 5 years old lang siya pero iba na siya mag-isip. Masyadong malalim.

Bakit nga ba siya ang tinatanong ko? Musmos pa lang siya at wala pang alam sa pag-ibig.

"Bakit ka may dugo sa kamay mo? "

Nailayo ko ang kamay ko sa kanya para hindi siya matakot. Napatingin ako sa kamay kong hindi ko pa pala nalinis. Nagkaroon ito ng dugo nang tanggalin ko ang mga nakakabit sakin. Nabigla ako sa pagtanggal kaya dumugo. Natakot ako dahil malapit ito sa pulso pero agad ding tumigil kaya hindi na ko nag-alala pa.

"Wag mo ng pansinin yan.. nasugatan lang ako. " ngumiti ako sa kanya.

Mukhang naniwala naman siya sinabi ko dahil ngumiti rin siya sakin.

"Namiss ko ng kumain ng chocolates, ate. Bakit hindi mo kasama yung boyfriend mo? "

Napatulala ako sa sinabi niya. Ano bang sasabihin ko sa kanya? Baka hindi niya maintindihan yung kalagayan ko dahil masyado pa siyang bata. Ayokong mag-isip siya ng malalim pa dahil sakin.

"Busy ang Kuya Dex mo, Chichay... "

Ano nga kayang ginagawa nun ngayon? Nagsisisi ba siya dahil sa nagawa niya o patuloy pa rin siyang nagloloko. Ang hirap paniwalain ng isip ko na hindi niya na uulitin ang ginawa niya. Dahil kada pipikit ako ay larawan niya kasama ang babae ang nakikita ko. Napakasakit... sobra sobra.

"Ayyy! Umiiyak ka na naman! Ayaw ko na nga sayo! Akala ko strong ka. Hmp! "

Lumundag siya sa upuan at humarap sakin ng naka-crossed ang mga braso, tila sesermonan ako. Mariin kong pinunasan ang mga luha sa pisngi ko.

My Life as a Personal Alalay (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon