CHAPTER 12: Sierra Wanca

3.5K 62 1
                                    

Feya's POV! 

Maaga akong nagising dahil kinailangan ko pang maghanap ng masasakyan. Malimit pa namang walang dumadaan dito.

May tatlong subject lang ako ngayon at tag-iisang oras lang pareho. Mukhang mapapaaga ang pagkita ko sa Imma na yon ah!

Hindi ko pa rin nakakalimutan ang ginawa niya sakin. Halos hindi nga ako nakatulog kakaisip sa bagay na yon. Hindi makatao! 

*Beep! Beep! 

Nagulat ako sa malakas na busina ng kotseng nasa harapan ko. Napakunot ang noo ko at inaninag kung sino ang tao sa loob. Hindi ko nga masyadong makita dahil tilted ang bintana ng kotse niya.

Nag-abang na lang ulit ako ng jeep at hindi na pinansin kung sino man iyon. Baka hindi ako ang binusinahan, ayoko mag-aasume. Hindi pa rin umalis yung kotseng nasa harapan ko at naiirita ako dahil hinaharangan niya ang paningin ko. 

 "Bespar! " matagal bago nag-sink in sakin kung sino man ang tao sa loob. 

 'Mas lalo ata siyang gumwapo ngayon? ' 

Naglakad agad ako sa palapit sa kotse. 

 "Angas natin par! Brand new! Iba na talaga ang probinsyano! " masayang bati ko at tinapik-tapik pa ang bubong ng kotse niya. 

 "Two weeks pa lang sakin to at buong puso kong ipinagmamalaki na ikaw ang unang makakasakay dito. Lets go? " mayabang niyang sambit. Napataas naman ang kilay ko. 

"Ang arte ko naman kung tatanggi ako diba? Sibat na! " masaya akong umikot sa passenger seat.

Pero bago ko pa man mabuksan ang pinto ay may sunod-sunod na busina akong narinig. Naestatwa ako nang makitang nakatayo na sa labas ng kotse si Dex.

Bigla tuloy akong nalungkot dahil hindi ako makakasabay kay Troy. 

"Wait lang ah! " sambit ko kay Troy at tsaka ako bumaling sa boyfie ko.

 "Babe! "

Masaya kong bati habang papalapit ako sa kanya. Sa pagkakaalam ko ay wala akong kasalanan sa kanya ngayong araw na ito kaya hindi dapat ako kabahan. 

 "Bakit ka nag-walk out kagabi ha? " malungkot niyang sabi.

Namula naman ako sa kahihiyan. Meron pala akong atraso. Hehe.

"Masyado na kasi akong nahihiya sayo nun. Feeling ko ang laki ng kasalanan ko sayo. " sambit ko. Napatango naman siya. 

 "Hey bro! Nice to see you again. "

Sumingit sa usapan si Troy na hindi ko namalayang nakalabas na pala ng sasakyan niya. Buti na lang at wala talaga masyadong nagdaraan dito kundi ay mga nagoyo na ang dalawang to. 

"Hm hi. " tipid na bati ni Dex sa kanya. 

Palihim ko siyang sinamaan ng tingin dahil baka ma-offend niya si Troy. Maldita rin minsan ang isang to! Hanep! 

 "Isasabay ko sana si bespar kaso mukhang ikaw may karapatang maghatid sa kanya. Sige mauna na ko. Ingat sa byahe. " nakangiti niyang paalam sa amin.

Sinundan lang namin siya ng tingin habang papaalis ang sasakyan niya. 

 "Hayss.. kung hindi ka dumating ay makakasabay ako sa kanya. Ako daw ang unang sasakay sa kotse niya pag nagkataon kaso dumating ka. " nakanguso kong sabi sa kanya. 

 "Dapat sinabi mo at sa kanya ka na lang sumabay! Ako na lang dapat ang magsusundo sayo after class. " natatawa niyang sabi. 

 'Sabi sa inyo hindi seloso yan e! Good boy but wrong timing! ' 

My Life as a Personal Alalay (COMPLETED)Where stories live. Discover now