CHAPTER 38: Bonding 101

2.4K 95 5
                                    

Eirro Wayne's POV

Nakakatamad ngayong araw. Gusto kong gumala kaso wala naman si Kirro para samahan ako. Wala rin akong kaibigan para ayain. Nakakainis na buhay to!

Nababagot kong pinapanood yung bagong movie ng taon. Pinaglalaruan ko sa kamay ko ang kanina ko pang hawak na tsitsirya.

*Arff! Arff! Arff!

Hindi ko na dapat papansinin pa ang ingay ng aso na yan kaso kanina pa siya tahol ng tahol at naririndi ako dahil don. Lalo niyang pinaiinit ang ulo ko.

"Oyy! Pakitapon nga sa labas yung aso na yon. " utos ko sa nagdaang katulong.

Nagulat siya sa sinabi ko kaya hindi siya agad nakaalis. Dinilatan ko pa siya ng mata para umalis na sa harapan ko. Nakakaasiwa.

Nagbalik ako sa pinapanood ko kaso lang ay nawalan na ko ng gana dahil hindi ko na nasundan ang palabas.

Padabog akong tumayo sa sofa. Tinapon ko lahat ng pagkain at inumin sa center table sa sobrang gigil.

"Dad! " tawag ko mula sa kwarto niya.

Malakas kong kinakatok ang pintuan niya.

"Ano ba yan, Wayne? May problema ba? " kunot noo nitong tanong.

Nagpigil ako ng galit. Hindi ko alam kung saan nagmumula ang galit ko. Para kasing may mga kulang sakin. Pakiramdam ko ay mag-isa lang ako.

"Wala ba akong kaibigan dito? " inis na tanong ko.

Huminga siya ng malalim at hinawakan ang balikat ko.

"Meron, marami nga e. Gusto mong tawagan ko si James para makapag-bonding kayo? "

Nagrehistro sa utak ko ang pangalang James pero hindi ito makatulong. Tila bago lang siya sa pandinig ko.

"Call him. " tamad kong wika.

Mabuti na lang at hindi na sumasakit ang ulo ko. Ang worst ng napagdaanan ko.

Nakangiting dumating si Kirro. Mukhang galing siya sa kompanya dahil maraming papeles na dala.

"Okay ka lang, Wayne? " tanong niya nang mapansing naiinis ako.

"Gusto kong gumala ngayon kaso wala akong kasama. Magbihis ka, samahan mo ko. " utos ko sa kanya.

Napansin kong nababahala ang mukha niya. Tila naaawa at nalulungkot sila sa kalagayan ko. Tsk! Wala e, ganito ako binuhay ng Panginoon.

"Sige, bihis lang ako. "

"Bilisan mo! "

"Opo... "

Nagtungo muna ako sa garden para tingnan ang mga rabbit doon. May alaga pala silang ganito. Ang tataba.

Nadatnan kong nililinisan ng katulong ang balahibo nito.

"Sayo ba yang mga rabbit na yan? " bagot kong tanong.

"H-hindi po sir sa iny--- "

"Apo, kamusta ka? May nararamdaman ka pa bang iba? " singit ng lola ka.

"La, may rabbit dito oh. " turo ko sa mga ito.

Natawa si Lola pero halatang pilit.

"Sayo yan, apo. Sina Silver at Gold ang name nila. "

"Sakin yan? "

Kumunot ang noo ko. Tinitigan kong mabuti ang mga rabbit.

"Ah-eh binili yan nung isang araw para may alagaan ka. "

My Life as a Personal Alalay (COMPLETED)Where stories live. Discover now