CHAPTER 17: Inisip Kita Magdamag!

3K 76 6
                                    

Feya Reigh's POV! 

 Halos hindi ako nakatulog kagabi. Hindi rin ako makaayos ng kilos. Ang bigat ng pakiramdam ko at hindi maalis-alis ang kaba sa dibdib ko.

Ang bigat ng bawat pagkilos ko. Sobrang laking epekto talaga para sakin ng mga messages ni Dex. Masakit sa part ko na hindi nagawang sagutin ang mga tawag at texts niya. Inakala niya pang may sakit ako. 

Hayss... nanghihina tuloy akong kumilos ngayong araw. Nung nakaraan ay excited pa akong umuwi para lang sa kanya.

Nawala sa isip kong iniwan ko pala siya na hindi man lang ako nakapagpaalam. Isa lang ang ibig sabihin nun, nag-enjoy lang talaga ko sa Sierra Wanca. At hindi ko nagawang isipin yung mga taong naiwan ko dito. 

"I'm done, I have to go. " malamig na boses ang narinig ko pagkababa ko ng hagdan. 

Mukhang kakatapos lang kumain ni Imma at nakahanda ng umalis para sa laban niya. Sasamahan ko dapat siya pero mas mahalaga yung kalagayan ngayon ni Dex. Siguradong malungkot na malungkot siya dahil sa nagawa ko although hindi pa naman niya alam na papasok na ko ngayon. 

"Good morning po. " bati ko sa kanilang lahat.

Himalang kumpleto ang pamilyang Ejercito sa lamesa except lang kay Ma'am Alliyah na nasa France. 

 "Good morning. " sagot sakin ni Kirro. 

Ngiti lang din ang sinagot ni Madam Villa at sir Dennis. Tahimik akong umupo sa upuan ko at sinabayan silang kumain.

Wala man akong gana sa pagkain ay pinilit ko na lang dahil baka wala akong matutunan sa lessons kung kumukulo ang tiyan ko.

"Nabalitaan kong nagbago ang isip mong samahan si Eirro sa laban. Bakit? " seryosong tanong sakin ni Madam Villa. 

Napaayos ako ng upo dahil sa akin napunta ang attensyon ng lahat.

"M-may kailangan po kasi akong asikasuhin. Pasensya na po. " magalang kong sagot. 

 "Ako na ang sasama sa kanya. Susunod na lang ako sa Sports Dome. " singit ni Kirro. 

Nakahinga ako ng maluwag dahil don. Mabuti naman at medyo bati na sila ni Eirro. Kahit na minsan ay napagkakamalan kong siya si Eirro ay mabait pa rin siyang makitungo sa akin.

Di na ko nagtaka kung mabilis na nahulog ang loob ni Samantha sa kanya. Kabaligtaran niya ang ugali ng isang Eirro Wayne Ejercito.

 "It's nice to hear that. By the way I'll go ahead, for sure some clients are already waiting for me. " biglang sabi ni Madam Villa.

Pinanood ko lamang siyang tumayo at iwan kami dito. Sandaling katahimikan ang namayani. Tanging tunog lang ng kubyertos ang maririnig mo. 

"Feya, sumunod ka sa Dome after mong gawin yung appointment mo. Ipapasundo kita. " pormal niyang sabi.

Napatigil ako sa pagnguya ng pagkain ko sa sinabi niya. Inangat ko ang paningin ko sa kanya. 

'Kailangan ba talagang nandoon ako. ' 

"B-baka matagalan ako. " nauutal kong sagot. 

Frowned face niya kong tinignan at parang nawawalang gana siyang kausap ako. Nag-iwas ako ng tingin dahil nakaramdam ako ng ilang sa matagal naming pagtititigan.

Para kong kinakausap si Eirro sa katauhan niya. Bakit ba kasi magkamukhang-magkamukha sila? 

 "Tapusin mo agad ang gagawin mo. Kailangan mong pumunta. " madiin niyang sabi.

Napatango na lang ako dahil dahil mukhang hindi talaga siya papaawat.

"Ikaw ba Dad? Sumabay ka na sakin kung manonood ka rin sa laban ng anak mo. Kailangan niya ng moral support. " pilit niyang in-emphasize yung salitang anak. 

My Life as a Personal Alalay (COMPLETED)Where stories live. Discover now