CHAPTER 51: Rayvick

2.6K 103 2
                                    

Feya.

Kinaumagahan ay maaga akong nagising. Masasabi kong ito ang pinakamaaliwalas na araw para sakin. Ang ganda ng gising ko ngayon, alam niyo na kung bakit!

"Ang ganda naman! " bungad sakin ni Abby nang makalabas ako ng banyo.

Pinasadahan niya ko ng tingin mula ulo hanggang paa. Nakangiwi lang akong nakatingin sa kanya.

"Bakit? " takang tanong ko.

"Anong meron, girl? "

Kumunot ang noo ko. Ano nga bang meron ngayon? Simpleng araw lang ngayon noh! Baliw to si Abby.

"Ano na naman bang problema mo? "

"Wala naman, ang blooming mo kasi ngayon e! "

"Always naman akong blooming! Ikaw lang tong losyang palagi! " angil ko.

"Sus! May pinapagandahan ka lang e! May nabingwit ka ng lalaki noh? "

Nanlaki ang mata ko sabay irap sa kanya. Kung ano-ano naman ang iniisip nito! Sarap kaltukan sa lungs.

"Say what you want! "

Umirap pa ko sa kanya bago lumabas ng kwarto namin. Habang naglalakad papunta sa kusina ay napahinto ako nang marinig ang tunog ng radyo na matagal ko ng hindi narinig.

Nagpaparamdam si Madam Villa. Kita ko kahit sa malayo na prenti siyang nakaupo sa sofa hawak ang newspaper sa harapan niya. Panigurado ring may nakalagay na paborito niyang tea sa center table. Maingay ang radyo na walang ibang kanta kundi puro pang-18's or 19's dahil hindi pamilyar ang lahat sa akin. Ano kayang meron at nandyaan siya ngayon?

Napakibit-balikat na lang ako at dumiretso na sa kusina.

"Magandang umaga, hija. " bati sakin ni Nay Belen.

As always, busy na naman siya sa paghahanda ng agahan katuwang ang mga assistant niya. Marami na naman silang niluluto na hindi ko alam ang mga pangalan.

"Magandang umaga rin po. " masaya kong bati.

Nagtungo ako sa counter kung saan nakalagay ang mga coffee and cream. Gusto kong magkape ng slight ngayon. Sawa na ko sa hot chocolate na kay Imma ko lang natutunan.

"Ang ganda naman ng gising mo hija. Inspired ah! " magiliw na sabi ni Ate Gie.

Napanguso ako. Inspired agad! Pano niya nasabi?

Isa pa siya! Ano bang prolema sa itsura ko ngayon at lahat sila ay may nasasabi? Argh!

"Hehe. Maaga kasi akong nakatulog kagabi. " nasabi ko na lang.

Nagngiting aso pa ako.

"Mm... sana lahat maagang nakakatulog para maganda rin ang paggising. " birong sabi ni Ate.

Nagtawanan kami. Kahit papano ay palabiro din sila.

"Sige po, dun lang ako sa likod. "

Nakangiti lang silang tumango. Umalis ako dala ang kape ko. Madadaanan ko si Madam Villa sa sala kaya naghanda ako para batiin siya.

"Good morning po, Madam Villa. " bati ko nang makarating ako sa harapan niya.

Marahan siyang tumingin sakin. Nasilayan ko na naman ang matalim niyang mga tingin. May pinagmanahan talaga tong si Imma.

Natigilan ako nang mapansin ang masama niyang tingin sakin. Hawak niya pa rin ang newspaper sa magkabila niyang kamay.

Masama ba ang tingin niya o ganun talaga? Kabisado ko ang mga tinginan niya na katulad lang din naman kay Imma. Pero iba tong ngayon... parang galit talaga.

My Life as a Personal Alalay (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon