CHAPTER 10: Embarrassment

3.5K 83 0
                                    

Feya's POV! 

 "Anong gusto mo? " tanong sakin ni Imma.

Nakapila na kami at pumipili na ng bibilhin namin. Bitbit ko pa rin tong mga bwiset na paper bags na to. Ang sakit na ng kamay ko at paniguradong naiipit na yung dugo ko sa kamay. Nakakangalay! 

 "Madalas kang magday-dream noh? Nakakairita! " 

Nabalik ako sa huwisyo ko sa isang tapik na naramdaman ko. Napatingin ako kay Imma na ngayon ay nakakunot ang noo sakin. 

"McFloat, spaghetti and burger. " masaya kong sabi.

Napatingin ako sa phone na hawak niya. Nakatapat ito sa akin at naka-voice record ito. Napakunot ang noo ko at dahan-dahang napatingin sa kanya.

"Ano yan? " nagtatakang tanong ko.

 Pinindot niya agad ang save at tsaka tumingin sakin ng naka poker face. 

Watda? 

"Mahirap akong magkabisado ng anumang bagay. Besides, akala ko kasi marami kang i-oorder. Mahirap na at baka makimutan ko pa. " 

Tumalikod na siya sakin at pumila sa kasunod niya. Naiwan akong naguguluhan dahil sa ginawa niya. Para saan ba yon? Aish! Nevermind!

Katulad ng napag-usapan ay dito muna ako sa waiting area habang hinihintay siya. Kita ko siya mula dito kaya hindi siya pwedeng tumakas at iwan akong mag-isa dito. Hindi pa rin ako nakaka-get over sa pag-iwan niya sakin sa kalsada, pinagtinda pa talaga ako ng basahan! 

 Matinde! 

 Tahimik ko lang siyang pinagmamasdan nang ibigay niya na sa cashier yung phone niya. Nakaramdam ako ng awa sa kanya. Napuno ng maraming tanong ang isip ko. 

 'Ganyan ba siya palagi kapag may ipapabiling maraming bagay sa kanya at dahil hirap niya itong kabisaduhin ay nire-record niya na lang? ' 

'Ganyan ba siya kapag may mga bagay siyang ayaw niyang kalimutan hanggang sa pagtanda? ' 

Hayss.. napupuno ang isip ko sa mga katanungan na puro siya lamang ang dahilan at makakasagot. Nahihirapan ako sa sakit niya. 

 "Alien! Stop day dreaming! " 

 Agad akong napatingin sa kanya. May dala na siyang pagkain at nakakunot na naman ang noo. 

'Ginagawa mong cool ang mga bagay kahit sa loob nito simple at walang dating. ' 

 Makabuluhan ang naiisip ko. Higit sa isa ang kahulugan na kahit ako ay hindi ito maintindihan. 

"Ako na ang magdadala nito at baka matanggal na yang braso mo. Thank me later. " frown face pa rin siya.

Tsk! Maangas ang datingan pero mas maangas ako. 

d-___-b ---> siya. 

d>___<b ---> ako dahil masakit na ang kamay ko. 

Arghh! 

 Nagsimula na kaming maglakad. Sa kotse na lang namin kakainin yung binili niya dahil mukhang ayaw niyang na-eexpose ng matagal ang appearance niya. Tss! Sa susunod hindi na ako magugulat kung babae talaga ang puso niya.

Ang panget na ng mukha ko dahil sa pagsimangot ko. Ang sakit na kasi ng mga kamay ko at parang hindi naman nakakahalata tong si Imma! Kakapal ang kalyo ko dahil dito! Amp! 

 "Sir Eirro! Hinto muna tayo saglit. Hindi ko na kaya, masakit sa kamay. " hinihingal kong sabi sa kanya.

Agad naman siyang huminto at sumandal sa railings na nasa gitna nitong mall. Dito kasi kami nahinto at wala akong pake kung center of attraction kami dito. 

My Life as a Personal Alalay (COMPLETED)Where stories live. Discover now