CHAPTER 14: Muntik na!

3.4K 85 5
                                    

 Feya's POV!

 Maaga akong nagising dahil sa hindi ko malaman na dahilan. Siguro ay dahil natulog ako sa hindi ko gustong texture na kama. Pero okay na din ito kesa naman sa wala, binili ito ni Imma at nararapat lang na gamitin ito.

Hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala sa pag-uusap namin kagabi. Nakapag-usap kami nang hindi nagsisigawan at nagpaprangkahan. 

Biruin mo nakapag-usap kami ng maayos sa unang pagkakataon. Pero after naming nag-usap sumakit yung ulo at after nun ay umatake na naman ang pagiging bossy niya.

Nang-asar at nambwiset na naman siya sakin. Wala akong nagawa kundi magbingi-bingihan at magtalukbong ng kumot sa pag-atake ng mood swings niya. Nakakaimbyerna! 

 "Alien! Nagluto ka na ba? Nagugutom na ko. " nakabusangot niyang sabi.

Naglakad siya papuntang lamesa at tumingin kung anong makakain. 

 "Di pa ako nakakaluto. Hindi ko alam lulutuin ko. " nakataas ang kilay na sabi ko.
Makapagmaldita nga ngayong araw na to. 

 "Seriously? Ang dami mong pwedeng iluto dyan! Commonsense, stupid alien? " naiinis niyang sabi at napahilamos pa sa mukha sa sobrang banas. 

Naku! Gutom na nga talaga to. 

 "Hindi ko alam kung anong gusto ng tiyan mo. Malay ko ba kung kakainin mo yung iluluto ko. Ang arte mo pa naman. " sigaw ko sa kanya. 

Here we go again and again. Tuwing gabi lang ata kami makakapag-usap ng maayos. 

"Tabe! Ako na magluluto! Wala ka talagang kwenta! Ang aga mo pa nagising akala ko pa naman ikaw magluluto! Parasite! " bulyaw niya sakin.  

Malakas niya pa akong tinabig paalis sa daraanan niya. Bigla tuloy akong nainis dahil sa inasta niya. 

 Ibang klase! Tinawag pa akong parasite! 

Ako?! Watda hell to the nth power! 

 "Kung parasite ako, ano ka pa? Masyado kang high blood ke aga-aga! " sigaw ko ulit sa kanya. 

"Alalay ka tas hindi mo alam responsibilidad mo? Tsaka wag mo kong sigawan dahil boss mo ko! " naiinis niyang sabi. 

 Parehas na kaming galit ngayon mas mabuting lumabas na muna ko baka kung saan na mapang-abot ito. 

"Bahala ka magluto ng kakainin mo! Sana maging maalat at mapait yang iluluto mo! "

 Padabog akong lumabas sa room na yon. Bwiset na lalaking yon! Dinaig pa ko na kahit may period ay hindi ganon! Tinde ng sapak! Letse! Immature talaga kahit kailan! 

 Naiinis kong pinagsisipa lahat ng madaanan kong kalat. Ang kalat naman sa hotel na to.

Natatarayan ko din yung mga tumitingin sakin kahit na nakangiti sila. Hayss! Nagiging maldita ako dahil sa lalaking yun e! Happy-go-lucky akong tao pero binabago ni Imma ang pananaw ko! Nahahawa ako sa pagiging masungit at maldito niya! 

 "Ang aga-aga bad mood ka ah. May nangyari ba? " 

 Napatigil ako sa paglalakad at nakabusangot na tumingin sa lalaking nakaharang ngayon sa daanan ko. Si James na best friend ni Imma.

"Wala. " tipid kong sagot at nilagpasan siya.

Nakakatamad magsalita lalo na kapag sira ang araw mo. 

 "Nag-away na naman kayo ng amo mo? " pangungulit niya sakin. 

Sinundan pa talaga ko hanggang sa pool area. 

My Life as a Personal Alalay (COMPLETED)Where stories live. Discover now