CHAPTER 73: False Alarm

1.7K 51 4
                                    

Eirro Wayne's POV

"Brain cancer... "

Halos manlumo ako nang marinig ko ang sinabi ng doktor. Nanginginig ang mga kamay ko na lumapit sa kanya at niyugyog siya. Tila nawawala ako sa sarili ko. Gusto kong linawin niya ang sinabi niya. Walang brain cancer ang girlfriend ko.

"Doc, hindi totoo ang sinabi mo di ba? " nanginginig kong sabi.

"Sorry sir, pero anong sinasabi mo? " takang tanong niya.

Nagtaka rin ako dahil bakit hindi niya makuha ang sinabi ko.

"Hindi ba sinabi mong may brain cancer ang girlfriend ko? " paliwanag ko.

Natawa siya at umiling na lalong nakapagpakunot ng noo ko.

Tinanggal niya ang mga kamay ko sa balikat niya at tinapik ako sa likod.

"Yun ba? Sorry kung na-misinterpret mo pero isa sa mga pasyente ko ang mayroong ganon at hindi si Ms. De Silva. " may halong ngiti niyang sabi.

Nakahinga ako ng maluwag at mahaba pang napabuntong hininga. Akala ko pa naman si Love na ang may cancer. Dapat kasi hindi niya dito sinasabi yon. Tsk! Pinakaba pa ko ng sobra. Hindi ko alam kung maiinis ako sa doktor na to. Kung ano-anong sinasabi.

"E ano naman pong sakit ng girlfriend ko? Bakit ganun na lang kung sumakit yung ulo niya. Baka mapano yung bata sa tiyan. " nag-aalala kong wika.

"Ang totoo niyan ay nagkaroon ng internal bleeding sa ulo niya. But don't worry, hindi ito malala. Kinakailangan lang siyang i-therapy and of course pahinga para maka-recover agad. Masaya ko ring ibabalita sa iyo na hindi maaapektuhan ang bata sa sinapupunan. " mahaba niyang paliwanag.

Wala sa sariling napangiti ako. Masaya ako sa balita ng doktor. Hindi ko na kailangang mag-alala ng sobra.

"Salamat po, doc. " usal ko.

Tumango lang siya at tuluyan nang umalis kasama ang assistant nurse niya.

Dahan-dahan naman akong lumapit kay Love na himbing nang natutulog ngayon. May bandage na ang ulo niya at may ilang aparatong nakakabit.

May ilan siyang sugat sa braso at gasgas sa mukha. Malalim ang ginagawa niyang paghinga ngayon.

Napatingin ako sa tiyan niya.

"Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwalang magiging daddy na ko... "

Wala rin siyang alam na buntis siya marahil siguro wala pa siyang nararamdaman na kakaiba.

"Paano ko to sasabihin kila Dad at Lola? And si Kirro... for sure matutuwa siya at mapapabilis ang paggaling niya. " nakangiting sabi ko sa sarili ko.

Ano kaya ang magiging reaksyon nilang lahat once na sabihin na namin sa kanila. Kailan naman kaya namin sasabihin sa kanila? Siguro sa espesyal na araw na lang. Malapit na ang birthday ni Dad, that time na lang namin ibabalita.

"Girl or boy basta makakasundo ko. "

Tila wala ako sa sarili habang kinakausap ko ang sarili ko. Mahigpit akong nakahawak sa kamay niya.

Hanggang ngayon ay nahihiwagaan pa rin ako kung bakit nabuntis ko siya. Sa pagkakaalala ko ay gumamit naman ako ng protection. Tsk! Nakakapagtaka.

Pero alam ko rin ay hindi dahil lasing ako non. Haha! Shooter ako!

Pero tapos na yon. Hindi man namin inaasahan na may darating na blessing samin kahit na hindi pa kami handa ay nagpapasalamat pa rin ako. Everything's happen for a reason. May plano si God kung bakit binigay niya ito ng mas maaga sa inaasahan namin. Mas lalo akong nasasabik.

My Life as a Personal Alalay (COMPLETED)Where stories live. Discover now