CHAPTER 6: Warfreak

4.6K 98 0
                                    

FEYA'S POV! 

'ARGHH! NAKAKABWISIT KANG IMMATURE KA! MAMATAY KA NAAA! ' 

d>_<b 

'Feeling ko sasabog ang buong katawan ko sa sobrang galit dahil sa imma na yon! Anong karapatan niya para utusan akong magtinda ng basahan?

Nakakahiya para sa part ko. Andaming nakakita sakin na mga students na nag-aaral sa campus! Nakakahiya! Sobrang init at usok pa. Pinaghalong pawis at dugo ang binuhos ko para matulungan yung matandang yon!

Grabe! Hindi man lang ako binigyan kahit bentesingko! Naka-315 pesos din kaya ako. Ibang klase! '

Ayan, ganyan dapat yung magiging reaction ko pero hindi ko magawa e. 

Naaawa din ako kay nanay dahil wala pa raw siyang breakfast at diretso tinda na raw. Hayss.. bat pa kasi may mahihirap na tao? At yung imma na yon? Okay lang sana kung pinagtinda niya lang ako e! Pero yung iwan ako is not fair and okay!

Napakasama naman niya. Buti nakayanan ng konsensya niyang iwan ako? Sabagay, family niya nga nababastos niya, ako pa kaya? Swerte ko naman. 

 "Manong, para po! " sigaw ko kay manong driver.

Huminto naman sa tapat ng AFU yung sinasakyan kong jeep. Bumaba ako at yung ibang estudyanteng nakasabay ko. 

Habang naglalakad ako ay may mga napapatingin sakin sabay tingin din sa cellphone nila tapos balik ulit yung tingin sakin at biglang tatawa. 

Tss! Mga baliw na anak ni Sisa! Pagbuhulin ko kaya mga bituka nila? Anong ngini-ngiti nila dyan? Ngayon lang ba sila nakakita ng anghel na tulad ko? 

Poor people. 

 "Babeee! " 

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at hindi pinansin yung asungot na tumawag sakin. Pagod ako at wala sa mood. Amoy pawis at usok pa ako. Hoo! Heaven grabe! 

"Babe! Bakit di mo ko pinapansin? May iba ka na ba? " sabi niya nang maabutan niya ako sa paglalakad.

Tinignan ko lang siya ng masama. 

"One percent na lang at mabubuga ko na itong apoy na inipon ko. Wag mo kong subukan. " pagbabanta ko sa kanya. 

"Sorry naman! Ano bang problema at baka ma-help kita? " 

"Babe Dexter, sobrang laki ng problema ko at kahit ikaw ay walang magagawa. " nawawalan ng pag-asa kong sabi. 

 "Ano nga! " pangungulit niya. 

"Ang pagiging maganda ko. Yun ang problema! Halika na at baka ma-late pa tayo. " 

 "Babe, alam mo? Minsan bawas-bawasan mo yung pagsha-shabu mo. Malala ka na e. " 

Sinamaan ko ulit siya ng tingin at tumigil rin ako sa paglalakad. Binigyan ko siya ng flying kick sa the little big shot niya. Syempre joke lang. Tinuhod ko lang naman ng sobrang lakas yung hita niya. 

 "Ipakita mo sakin bukas yan na may pasa kung gusto mo pang mabuhay. " singhal ko sa kanya.

Kita ko sa mukha niya yung sobrang sakit dahil sa pagkatuhod ko. 

 "Grabe ka babe! Pano mo nagawa sakin to? " nanghihinang sabi niya. 

"Ahh.. gusto mong ulitin ko pa para makita mo kung pano ko ginawa? " tanong ko. "Halika dito at uulitin ko at nang makita mo kung pano ko ginawa! " 

"J-joke lang! Ikaw babe ah, hindi mo na ba ko mahal? Sinasaktan mo talaga ko." 

 "Mahal kita! Pero pag binubwiset mo ko ng wala ako sa mood, nakakalimutan kong mahal kita. " seryoso kong sabi. 

My Life as a Personal Alalay (COMPLETED)Where stories live. Discover now