CHAPTER 78: Vise Versa News

1.5K 36 8
                                    

Feya Reigh's POV

Nang idilat ko ang aking mata ay puro puti lang ang nakikita ko. Sinubukan kong umupo na nagawa ko naman. Walang ibang tao sa kwarto ko kaya nagdesisyon akong bumangon at lumabas. Ngunit bubuksan ko na sana yung pinto nang may kung sinong tao sa labas ang naunang humawak sa doorknob. Umatras ako ng kaunti para hindi ako masagi.

Si Troy ang pumasok at may dala siyang prutas at pagkain.

"Bakit ka bumangon agad? Baka mabinat ka niyan. " sermon niya.

Naglakad ako palapit sa kama at naupo dito. Pinanood ko siyang ilabas ang mga dala niyang pagkain sa paper bag niyang dala. Masasarap at nakakatakam ang mga pagkaing ito.

"Maayos na ba ang pakiramdam mo. "

Tumango lang ako bilang sagot.

Inabot niya sakin ang mangkok ng soup na tinanggap ko naman.

"K-kamusta sina Kirro? " kanina ko pang gustong itanong sa kanya.

Humarap siya sakin at huminga ng malalim.

"Nasa funeral na si Tito Dennis. Nandoon ang lahat ng kamag-anak. Umuwi rin yung asawa't anak niya galing France. "

Napayuko ako. Ni hindi ko nagawang galawin ang pagkain ko. Sobra akong nalulungkot sa pagkawala niya. Mamimiss ko ang pag-aalala at pagmamahal niya sakin. Tinurin niya na rin akong anak niya. Napakabait niyang tao.

"Anong araw ba ngayon? " tanong ko.

"October 28 na ngayon, ang mismong kaarawan ni Tito Dennis. "

Ibig sabihin lang ay matagal akong nawalan ng malay. Dahil sa pagkakatanda ko sa nangyari ay nasa labas lang kami ng ICU kahapon habang nag-iiyakan. Dahil masama na ang pakiramdam ko at tuluyan na kong nawalan ng malay.

"Magaling naman na ko. Uubusin ko muna tong pagkain at pagkatapos ay lalabas na ko dito. Kailangan kong tumulong sa kanila na asikasuhin yung burol. " wika ko.

Tanging tango lang ang ginawa niya. Pansin kong simula nang dumating siya dito ay hindi niya nagagawang ngumiti. May problema din kaya siya?

"Asan nga pala si Kylie? " bigla kong naalala ang babaeng yon.

Himalang hindi niya ito kasama samantalang halos hindi sila mapaghiwalay non.

Nagulat ako nang bigla siyang yumuko. Nakita ko ang kamay niyang naging kamao.

"Wala na kami ni Kylie... noong nakaraang linggo pa. "

Nanlaki ang mata ko nang marinig ang sinabi niya. Hindi nga? Baka nagbibiro lang siya.

"Seryoso? Bakit? " di ko makapaniwalang tanong.

"Hindi ko alam ang dahilan. Bigla na lang siyang nanlamig sakin at pagkatapos non ay bigla siyang nakipaghiwalay sakin. Mahal na mahal ko sya kaya tinanggap ko ang desisyon niya. "

Ramdam kong gustong-gusto niya nang umiyak sa mga oras na ito pero pinipigilan niya lang. Napahinga siya ng malalim at pilit na ngumiti sakin.

"Hayaan mo na.. ganoon lang siguro talaga ang buhay. Baka hindi pa siya ang tinadhana para sakin. " pilit ang ngiti niyang binibigay sakin.

Pero hindi ba magkasama pa sila nung na nagsurpresa sakin nung nakauwi ako sa bahay? Ang bilis naman ng pangyayari.

Alam kong sa mga oras na to ay sobra siyang nasasaktan. Sa pagkakaalam ko ay unang nobya niya si Kylie kaya hindi siya sanay sa break up na ganito. Nalulungkot ako para sa childhood friend ko. Hindi niya deserved na masaktan at alam ko yon.

My Life as a Personal Alalay (COMPLETED)Where stories live. Discover now