CHAPTER 55: Selos?

2.4K 72 1
                                    

Eirro Wayne's POV

"Sir Wayne, ito na po yung pinapakuha niyong towel. " wika ng iaang katulong.

"Pakilagay na lang sa table. "

"Sige po. "

Pinagpatuloy kong muli ang paglangoy. Nakakailang ikot na ko at kung ano-anong style na ang ginagawa kong paglangoy. Napagdesisyunan ko ng umahon nang makaramdam na ko ng pagod.

Tinungo ko ang table kung saan nilagay ng katulong yung towel na pinakuha ko. Ibinalot ko agad ito sa katawan ko bago umupo sa bakal na upuan. Kinuha ko ang pineapple juice na mukhang uminit na.

"Sir Wayne, ihahanda ko na po ba yung kotse niyo? "

Nabaling ako sa driver namin. Ibinaba ko muna ang glass na hawak ko bago siya sinagot.

"Yes please, pakisabi rin sa alalay ko na kailangan niyang sumama sakin. "

"Yes, sir. "

Pinanood ko lang siyang umalis bago binalingan ang cheesecake sa harap ko. Bakit kaya hindi ako nagsasawa sa lasa nito, mas lalo pa kong naaadik habang tumatagal.

Nag-stay pa ko ng ilang minuto bago pumasok sa loob. Naririnig ko ang pag-uusap nina Dad at Lola kasama si Kirro. Nasa sala sila ngayon at maraming documents sa center table. Nakakabobo ang ganun karaming papeles.

Agad akong nagtungo sa banyo ko para ipagpatuloy ang paliligo. Nagtagal pa ko sa ilalim ng shower bago magpunas at magbihis. Normal na sinusuot ng mga nagte-training ng skateboarding. Nang ma-satisfied ako sa itsura ko ay agad din akong lumabas.

"Aalis ka na? " tanong ni Kirro nang makasalubong ko siya sa hagdan.

"Di ba obvious? " bagot kong sabi.

"Gago. " singhal niya bago padabog na magpatuloy sa pag-akyat.

Umiiling naman akong nagpatuloy sa pagbaba. Naroon pa rin sina Dad and Lola sa sala. Sakto may kailangan ako kay Dad.

"Dad, can I borrow your car? " bungad ko nang makarating ako sa kanila.

"Why, nasira ba mga kotse mo? "

"No, Dad. Gusto ko lang i-try yung sayo. "

"So it means ako gagamit ng kotse mo? Aalis din kasi kami ni Kirro Zayne. "

"May kotse si Kirro, Dad. "

"Yeah, pero nasa carwash pa. "

"Ipakuha niyo na lang sa driver."

"Eirro Wayne, Dennis. Ang ingay niyo, hindi ako makapag-concentrate sa ginagawa ko. "

Pareho kaming nabaling kay Lola. Magkasalubong ang kilay niya samin ngayon.

Tch! Bakit kasi dito siya nagtatrabaho e may office naman siya sa taas.

"If you don't like them to borrow your car then Dennis will use my car. Is it okay now? "

"That's good, then. "

Inilahad ko ang kamay ko kay Dad para hingiin yung susi ng kotse niya. Mukhang hindi niya nakuha yung ibig kong sabihin dahil kumunot ang noo niya sakin.

"Car's key, dad. " tamad kong sabi.

Tinuro niya ang ibabaw ng drawer malapit sa TV. Kaagad ko naman itong nakita kaya walang salitang umalis na ko sa harapan nila.

Naglakad na ko patungo sa labas ng pinto ng mansion. Kaagad kong binigay sa driver ang susi ni Dad para kunin ito sa garahe.

"Hindi po ba yung kotse niyo ang gagamitin? "

My Life as a Personal Alalay (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon