CHAPTER 75: HINALA (Blue and Kirro)

2.2K 71 12
                                    

Eirro Wayne

Inilipat ko nga ng magandang ospital si Feya. Isang mabilis at modernong ospital. Dahil doon ay bumilis nga ang paggaling niya at matapos ang tatlong linggong pagpapagaling niya, ngayon ay makakalabas na kami ng ospital. Hindi pa siya totally magaling kaya kailangan niyang mag-wheel chair. Hindi pa kasi magaling ang paa niya.

"Basta iwasan muna ang mga bagay na makakapagbalik sa pananakit ng ulo niya. Kung babalik naman kayo sa Laguna at doon na magpacheck-up, please, huwag na huwag magpapa-x-ray. Makakasama yon sa bata. Maliwanag naman lahat ng bilin ko kaya maiiwan ko muna kayo. "

"Salamat po. "

Umalis na si Dr. Santiago kasama ang assistant nurse niya. Pinuntahan ko si Love na kasalukuyang kumakain ngayon ng mushroom soup kasama sina Kirro.

"Maya-maya aalis na tayo. " sambit ko nang makalapit ako sa kanila. Sabay-sabay pa silang bumaling sakin.

"Babalik na agad ng Laguna? Kakapunta ko pa lang dito e! " reklamo ni Thomson.

Pano ba naman, halos lahat ng tropa ay nakapagpabalik-balik na dito samantalang siya ay nagpapasarap sa China dahil may family reunion sila. Nung isang araw lang siya nakabalik at ngayon lang nakadalaw kay Love dito sa Maynila. Okay lang naman dahil nung nasa Laguna kami ay panay naman ang dalaw nila. Ang ingay pa nga e.

"Kung gusto niyo maiwan kayo rito at mauuna na kaming umalis. " suhestyon ko.

"Ano namang gagawin namin dito? Wala ngang snow dito at polluted pa ang hangin. " maarteng sabi nito.

Napangisi lang ako habang umiiling. Epekto ng ilang linggo niya sa China. Tch.

"By the way, anong plano natin sa birthday ni Dad? Ngayong friday na yon ah. " biglang sabi ni Kirro.

"For sure nakapagplano na si Lola Villa para sa birthday ng anak niya. " sabi naman ni Blue.

"Kaya nga. Wag na kayong masyadong mag-isip. " wika naman ni Dave.

"Bilhan na lang natin siya ng regalo. " si Pat.

"O kaya mga babae! " sigaw naman ni Thomson.

Lahat kami ay napatingin sa kanya ng masama. Dahil malapit sa kanya si Blue ay siya lang ang nakapagbatok dito.

Ang tanda na ni Dad para sa ganyan. Baby face lang kasi.

"Sandali! Tumataba si Feya Reigh ah! Hiyang sa dextrose! " natatawang sabi ni Patrick.

Nagkatinginan kami ni Love nang sabihin yon ni Patrick. Hindi pa kasi nila alam na buntis siya kaya nasa isip nila na tumataba lang. Baka makahalata sila ngayon, dapat mag-ingat kami dahil plano pa man din naming sabihin sa mismong birthday ni Dad. Sa harap nilang lahat. Uuwi din si Mommy at Errie galing France para sa birthday ni Dad. Ilang buwan ko na rin silang hindi nakikita.

"May improvement! Okay yan kasi honestly, maganda ka lang nung panahong payat ka pero ngayon, super ganda na! " pang-eechoes ni Thomson.

"Tumigil ka nga dyan! Baka makatikim ka sakin! " banas kong sabi.

Tumabi ako kay Love para hindi siya mailang. Tahimik lang kasi at alam kong hindi niya pa gaanong kaya.

"Kailan ba kayo magpapakasal? Anong petsa na ah! " tanong ni Blue.

"Basta! Maghintay ka na lang kasi! Kayong lahat! Maghintay! " sigaw ko.

"Invited kaming lahat ah! Best man ako. " taas noo pang sabi ni Thomson.

Inirapan ko siya at binato ng hawak kong bread.

"Ang alam ko ako ang best man ah. " sabi ni James na ngayon lang tumigil sa pagkalikot ng cellphone. Narinig niya lang ang usapan namin about sa kasal tumigil na siya.

My Life as a Personal Alalay (COMPLETED)Where stories live. Discover now