CHAPTER 26: OuThing!

3.4K 119 2
                                    

Feya Reigh's POV!

Biglaan masyado ang alis namin. Excited na excited si Sir Zayne na pumunta sa Batanes. Tila siya lang ang may gustong umalis sa aming lahat. Inaakala niya atang EK lang ang Batanes kaya biglaan ang pagpapasya niya.

The hell! Ang layo ng Batanes noh! Hayss ilang hours ba ang biyahe?

"Alien! Ano ba?! Lumabas ka na dyan! " sigaw ni Imma mula sa labas ng kwarto ko.

Kanina pa kasi ako dito sa kwarto ko dahil nakalimutan kong mag-ayos ng mga dadalhin ko kagabi. Kaya heto, super rush ang ginagawa ko.

Medyo masama pa ang pakiramdam ko kaya sana hindi ako mabinat. Nainom ko naman na yung mga gamot ko.

"Fuck! What are taking so long!? "

"Mauna ka na sa labas! Susunod na lang ako! " sigaw ko.

Tsk! Sino ba kasi may sabing hintayin niya ko? Tapos magagalit siya dahil matagal ako.

"Wag ka ngang pa-importante! Bilisan mo diyan! "

Pagkasabi niya non ay isang malakas na kalabog ang narinig ko. Mukhang hinampas niya ang pinto sa sobrang inis bago umalis.

Tinapos ko na lang ang ginagawa ko at nagmadaling lumabas. Nakakahiya naman kasi ako na nga lang yung sasama ay nagpapatagal pa. Baka magalit sakin si Sir Zayne, excited pa naman.

"Ayos na ba ang lahat? " tanong ni Tito Dennis.

Ang alam ko ay hindi siya sasama dahil busy sila ni Madam Villa sa business nila. Ang kambal, mga kaibigan nila at ako ang aalis papuntang Batanes.

"Dad, pinuno mo na ba mga cards namin? " walang ganang tanong ni Imma.

Pumwesto ako sa likod niya.

"Yeah, inasikaso ko kagabi lang. Mag-enjoy kayo don. Pasensya na at hindi kami makakasama ng Lola niyo. " malungkot niyang wika.

"Okay lang, dad. Ayaw namin ng hadlang ni Wayne e. Baka hindi makapambabae to don. " birong sabi ni Sir Zayne.

Di ko inisip na ganito siya kakalog. Naalala niyo ba nung mga araw na hindi pa sila magkasundo ni Imma? Nakakatakot ang pagiging cold niya. Bibihira lang siya magsalita at palaging nakatulala.

Ngayon, di ko lubos maisip na ganyan siya palaasar kay Imma. Napakakulit. Nakakatuwa lang. Lumalabas talaga ang tunay na ugali ng tao kapag komportable na sila sa kasama nila.

"Dad, sana pala ay akin lang ang nilagyan niyo ng laman. Baka kasi bilhin na ni Kirro ang buong Batanes. " tamad niyang sabi na nakapagpangiwi sakin.

"No dad, tama lang ang naging desisyon niyo. Besides, nakalista na sa bucket list ko ang mga pupuntahan namin. Magsasabi na lang ako sa inyo kapag nagkulang yung pera. " malaking ngiti ni sir Kirro.

"Kahit magkano pa ang hilingin niyo basta mag-enjoy lang kayo sa mga pupuntahan niyo. "

"Mukhang si Kirro lang ang mag-eenjoy, Tito Dennis e. Kita mo, parang buong bahay ang dala sa maleta niya. " natatawang sabat ng isa sa mga kaibigan niya.

"Gago ka, Dave! Konti lang to kasi bibili ako ng mga souvenirs don! "

"Umalis na tayo, malayo pa ang biyahe. "

Nadako ang paningin ko kay Imma na pasakay na sa Hiace na van. Ito ata ang gagamitin namin sa pagpunta ng airport. Walo lang kaming aalis, kasya naman kami siguro lahat dito.

Nakakailang lang dahil ako lang ang nag-iisang babae dito. Nagdadalawang isip akong sumama at may balak na talaga kong pumasok na lang ulit sa loob ng mansion.

My Life as a Personal Alalay (COMPLETED)Where stories live. Discover now