CHAPTER 46: So Annoying!

2.7K 87 9
                                    

Feya Reigh.



Pasadong ala siyete ng gabi nang magising ako. Pinilit kong matulog ulit pero sa tingin ko ay naalimpungtan na ko.

Tumayo ako sa kama ko at nag-iinat na nagtungo sa banyo. Lumabas ako ng kwarto para pumunta sa kusina. Nakaramdam ako ng uhaw.

Habang naglalakad ay may naririnig akong tunog na nanggagaling sa sala. Hindi ko na sana ito pupuntahan pero napukaw ng isang halakhak ang interes kong pumunta don.

Dahil nakapatay na ang ilaw sa ibang parte ng mansion ay mabilis kong naaninag ang nakabukas na flat screen. Nasisinagan nito ang madilim na parte ng mansion.

"Bakit gising ka pa? It's late. "

Napahawak ako sa dibdib ko sa gulat.

"Sir Eirro--- "

"Hanggang ngayon Eirro pa rin ang tawag mo sakin? "

Napalunok ako. "Sir Wayne. " pagtatama ko.

"Bakit gising ka pa? " pag-uulit niya.

Hindi ko siya masyadong maaninag dahil nakapatay ang ilaw dito sa sala. Tanging flat screen lang ang nagbibigay liwanag sa nakikita ko.

"Naalimpungatan ako. Iinom lang ako ng tubig. " kalmadong sabi ko.

Tumango siya at bumaling ulit sa pinapanood niyang palabas.

"Ano pang tinatayo mo dyan? "

Hindi na ako nagpaalam na aalis na ko. Dumiretso ako sa kusina para kumuha ng inumin ko. Habang umiinom ay may naiisip akong bagay. Parang gusto kong manood muna dahil hindi pa naman ako inaantok.

Dahan-dahan akong bumalik sa sala dala ang tubig na hawak ko. Hindi napansin ni Imma ang pagbalik ko kaya nagpeke ako ng samid.

Akala ko ay papansinin niya ako pero hindi pala. Muli akong naglakad papalapit sa kanya. Marahan akong umupo sa tabi niya ngunit siniguro kong may pagitan kami.

"Sinabi ko bang tumabi ka sakin? "

Umiling ako kahit na hindi niya kita. Sumulyap ako sa kanya, seryoso lang siyang nanonood. Hindi ko mapigilang hindi mapatitig sa kanya.

Tila napako ang mga mata ko sa mga labi niya. Hindi maipagkakailang napaka-gwapo talaga ni Imma. Kung naging artista siguro siya ay halos maglumpasay ang mga fans niya para lang makita siya.

Napaka-perpekto ng lahat ng parte ng mukha niya. Mula sa makakapal niyang kilay papunta sa mahahabang pilikmata at makinang niyang mga mata. Napakatangos ng ilang niya at manipis ang mga mapupula niyang labi. Nagawa kong ilarawan ang parte ng mukha niya kahit na kaunti lang ang naaaninag ko.

"Ehem? "

Napalunok ako ng madiin nang bumaling siya sakin. Oh shit! Nahuli niya kong tinititigan siya. Waaaahhh! Nakakahiya.

"Sorry. " mabilis kong sabi sabay tingin sa tv.

Mahigpit ang hawak ko sa basong hawak ko. Anytime ay pwede tong mabasag kapag lalo ko pang diniinan ang hawak. Nakakahiya yung ginawa ko.

Napakagat ako sa ibabang labi ko sa hiya. Kung pwede lang akong tumakbo paalis dito ay ginawa ko na. Pero magmumukhang may kasalanan ako kapag gagawin ko yun. Magpapatay malisya na lang ako.

Parang magdurugo na ata ang labi ko sa diin ng pakakakagat ko. Nahihiya talaga ko ng sobra.

"Balak mo ba kong akitin? "

Nanlalaki ang mata kong tumingin sa kanya. Halos kumunot ng todo ang noo ko sa sobrang pagtataka.

"Ha? " inosente kong tanong.

My Life as a Personal Alalay (COMPLETED)Where stories live. Discover now