CHAPTER 30: Back to Normal

2.5K 92 4
                                    

Feya Reigh's POV!

Maaga akong nagising dahil ayokong ma-late sa unang subject namin. Dala ko lahat ng mga hindi ko napasang outputs, project at assignment na alam kong nung nakaraang linggo pa ang deadline.

Grabe, nahuhuli na talaga ako sa klase. Ano na kayang pinag-aaralan nila ngayon. Aish! Sana talaga maka-graduate ako kahit papano.

"Aling Belen, alis na po ako. " paalam ko sa kanya dahil siya lang ang nakita kong tao sa loob ng mansion.

Yung iba siguro ay nasa garden at swimming area para maglinis.

"Kumain ka na ba? " tanong niya sakin.

"Pasensya na po pero wala akong gana. " ani ko.

"Ganun ba... sige baunin mo na lang tong sandwich na ginawa ko. Kainin mo pag nagutom ka. "

Inabot niya sakin ang tupperware na may lamang dalawang sandwich. Ngumiti ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.

"The best po talaga kayo! Salamat po. " malambing kong wika sa kanya. Natawa siya sa inasta ko.

"Ano ka ba hija, parang anak na ang turing ko sayo. Wag kang mahiyang lumapit sakin. " sambit.

Na-touch ako sa sinabi niya kaya nayakap ko ulit siya ng mahigpit.

"Salamat po talaga... di ko maramdamang nag-iisa ko dahil nandyan kayo. Salamat po talaga. "

"Ikaw bata ka. Wala yon, maliit na bagay. Sige na at baka ma-late ka pa. "

"Sige po, alis na ko. "

Matapos kong makapag-paalam sa kanya ay mabilis akong lumabas ng gate. Nilakad ko lang palabas ng subdivision para makasakay ng jeep.

Grabe! Ang layo, ang sakit sa paa.

Nang makarating ako sa stasyon ng jeep ay agad ko itong pinara para makasakay ako. Siksikan na agad umaga palang. Naghintay pa ng ilang minuto ang driver bago umalis.

Kailangan ba talagang kalahating pwet na lang ang nakakaupo bago siya umalis? Kung kalahatiin ko rin kaya yung bayad ko? Hmp!

Kinakabahan na nga ako dahil male-late na ko lalo pa akong kinabahan ng maipit kami sa traffic. May mga batang palaboy tuloy na pumasok sa loob ng jeep na sinasakyan ko. Natatakot ako sa kanila kahit pa sabihin nilang wala silang gagawing masama. Basta natatakot lang ako.

"Ate.. pahingi po ng barya. "

Kinalabit ako ng isang bata. Sa tingin ko ay limang taon palang ito. Ang liit kasi at ang dungis. Bigla akong naawa sa kanya.

"Gutom ka na ba? " tanong ko.

Mabilis siyang tumango.
Naalala ko bigla yung binigay na sandwich sakin ni Aling Belen. Mabilis ko itong kinuha sa loob ng bag ko at binigay sa kanya. Ang laki ng ngiti niya nang tinanggap niya ito.

"Salamat po. " masaya niyang wika.

"You're welcome... hatian mo mga kasama mo ah. " bilin ko sa kanya.

Tumango siya bago tuluyang lumabas dahil aandar na ulit ang jeep. Biglang gumaan ang loob ko. Ang sarap talaga sa pakiramdam kapag nakakatulong ka.

"Ma! Para! " sigaw ng isang estudyante.

Ilang minuto na rin kasi kaming nasa byahe simula nang makaalis kami sa traffic.

At hindi ko namalayang nandito na kami sa tapat ng AFU. Lutang talaga ko masyado.
Pagkatungtong ko palang sa loob ng campus ay ibang feeling na agad ang naramdaman ko.

My Life as a Personal Alalay (COMPLETED)Where stories live. Discover now