CHAPTER 48: Tipsy

2.4K 72 1
                                    

Feya.

Ngayong araw ang day off ng mga kasambahay. Umaga sila aalis kaya maaga rin akong malulungkot.

Tsk! Nakalimutan ko kasing magpaalam kay Imma kagabi e! Balak ko pa namang sumama ngayon kay Abby. Kaso lang tulog pa siya sa mga oras na ito at si Abby ay maagang ding aalis. Nako naman!

"Wag ka na ngang sumama Feya! Magmumukha ka lang third wheel samin! " angil niya.

Napanguso ako. E kung wag na lang siyang makipagkita sa kanong yon para makapag-shopping kami! Nakakainis kasi si Kylie, busy masyado sa work niya.

"Sama na ko! Ayokong maiwan dito mag-isa! " paawa kong sabi.

"Bahala ka! Magpaalam ka muna sa boss mo! Baka mamaya pagbantaan na naman ako nun! "

"Hindi ako papayagan non! Wag na tayong magpaalam! "

"Baliw! Ako ang malalagot don! Baka isipin niya na pinilit kitang sumama sakin! "

"Waaaah! Hindi ako papayagan non! "

"Edi hindi! Maiwan ka ditong mag-isa! "

Napasimangot na ko ng sobra. Naiinis kong tinutusok ang pagkain ko. Naiisip ko pa lang na maiiwan ako dito kasama si Imma ay nababaliw na ko. Wala ba akong kalayaang maggala ngayon? I need rest!

"Kung sumama ka kaya sa nanay-nanayan mo? "

"Hibang ka ba? Family bonding nila every day off niya! Nakakahiya naman kung makikisawsaw ako di ba? "

"Okay. It's up to you! "

Padabog akong tumayo sa kinauupan ko upang ilagay ang plato ko sa lababo. Habang hinuhugasan ko ito ay nag-iisip ako na pwedeng gawin dito sa mansion kung sakaling maiiwan talaga ako dito.

Number one sa naiisip ko ay ang pagpi-painting. Ngayon ko na lang kaya umpisahan yon? Tutal mukha naman na kong ginaganahan e.

"Abby. " tawag ko sa kanya.

"Oh? "

"Hindi na ko sasama sayo. Ipipinta ko na lang yung pinapapinta mo sakin. "

"Woah? Talaga? "

"Mm. "

"OMG! Super thank you talaga! "

"Anong thank you? May bayad yun noh! "

"Magkano? "

"Hindi magkano! Ano? "

"Edi ano?! "

"Bili mo ko ng stuffed toy na panda. Please. "

"Sige, yung maliit lang ah! Mahal kaya ng stuffed toy ngayon! "

"Okay fine. "

Pagkatapos ng pag-uusap namin ay dumiretso ako sa kwarto namin para maligo. Maaga akong mag-aayos ngayon para maaga ko ring maumpisahan ang painting ko.

Nang makuntento ako sa itsura ko ay inilabas ko na ang lahat ng gamit ko sa pagpipinta sa garden. Maganda ang panahon ngayon. Refreshing ang hangin at maaliwalas ang palagid. Masayang magpinta dito, nakakagana.

Inilabas ko na ang picture na ipinasa sakin ni Abby. Napangiwi pa nga ako dahil parang mukhang mas matanda yung boy kesa sa kanya.

Ano to? Sugar daddy? Pero naniniwala naman ako sa age doesn't matter. Bagay naman sila kahit papano.

Nag-blend muna ako ng kulay bago mag-umpisa. Nakaset-up na rin ang canvass na pagpipintahan ko at syempre ang apron kung sakaling mamantsahan ang damit ko ay protektado. Ang hirap kayang maglaba!

My Life as a Personal Alalay (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon