CHAPTER 62: Bonding

2.5K 100 8
                                    

Troy's POV

Ganon na lang ang gulat ko nang isama ng isang lalaki si Bespar. Pamilyar sakin yung mukha ng lalaking yon.

Wala namang naging problema sa kasal. Natuloy naman dahil wala naman talagang hahadlang. Magsama sila hanggat kaya nila.

Hindi na kami pupunta sa reception dahil gusto kong makita si Feya. Sumama naman tong si Lie dahil katulad ko ay nag-aalala rin siya.

Bigla ba naman kasing nawala. Hindi niya tuloy naumpisahan yung kasal. Pero atleast nakapaglakad siya sa aisle kahit walang practice.

"Oy, Trolls! Sumagot na ba? "

"Hindi pa nga e, baka naman pinatay niya. "

"Tsk! Bwiset kasi yung mga babaeng yun e! Narinig ko rin kaya yung mga sinabi nila. "

"Mga insecure lang ang mga yon. "

Tinigilan ko na ang pagtawag kay Bespar. Sinuot ko ang seatbelt ko at binuhay ang makina.

"Baka nandon lang siya sa apartment niya. "

"I think so. "

Mabilis akong nagmaneho patungo sa lugar namin ni Feya. Umaasa akong naroon lang yon.

"Wala na bang mas bibilis pa dito? " reklamo ni Lie.

Inis akong bumaling sa kanya. Sino ba kasing may sabi na dito siya sumakay? Asan na yung Baby Porsche niya?

"Meron pa, pero baka di mo magustuhan. " ngisi ko.

"Dapat nga pala hindi ko na pinauwi yung Baby Porsche ko. Nagsisisi na ko. "

"Kung gusto mo ng bumaba, okay lang. Ayoko ng maingay habang nag-didrive ako. Isa kang distraction. "

"Letse. "

Tumahimik din siya pagkatapos. Tch. Tatahimik din pala andami pang satsat. Ayoko talaga aa babaeng maingay.

Sabay lang kaming bumaba nang maihinto ko ang kotse. Patakbo naming tinungo ang kwarto ni Bespar.

Sunod-sunod akong kumatok, nakisali naman si Lie.

"Amaaag! Buksan mo yung pinto! " tawag niya.

"Heyoooooo! Open the door! " sigaw niya pa.

Napatakip na lang ako sa tenga dahil sa tinis ng boses niya.

"Bespar, buksan mo yung pinto kung nandyan ka man. " mahinahon kong sabi.

Magkakasunod pa rin na katok ang ginawa namin hanggang narinig na namin ang click na nagbukas ng pinto.

Bumungad samin ang kakagising palang na si Feya. Seriously? Natulog lang siya?

Hindi na kami nag-alinlangang pumasok sa loob. Niyakap agad ni Lie si Feya.

"Amag ko, okay ka lang ba? "

Kunot noo niya lang kaming tinignan. Nagtataka kung bakit nandito kami.

"Ahmm, saan kayo nagpunta nung lalaki. " tanong ko.

Tamad niya lang kaming tinignan. Kinusot niya ang mata niya. Nagtaka ako nang makitang paika-ika ang lakad niya. Mabilis ko siyang inalalayan.

"Anong nangyari sayo? " dagdag ko pa.

"Feya Reigh naman! Uso magsalita. "

Inupo ko siya sa sofa. Itinaas niya ang paa niya sa maliit na lamesa.

Nalibot ko ang paningin ko at nakita ko ang nakakalat niyang gown at heels. May med kit din sa tabi. Saan kaya siya naggaling?

"Tama bang istorbohin ang taong natutulog? " walang gana niyang sabi.

My Life as a Personal Alalay (COMPLETED)Where stories live. Discover now