CHAPTER 76: HOSTAGE

2K 48 4
                                    

Eirro Wayne's POV

Nagising ako nang may maramdaman akong mabigat na nakadagan sakin. Minulat ko ang aking mata at hindi nga ako nagkamali sa hinala ko. Yung paa lang naman ni Kirro ay nasa mukha ko at halos daganan niya na ang buong katawan ko. Naiinis akong inalis ang mabigat niyang katawan sakin. Inis akong tumayo sa kama at nag-inat. Ang pangit ng gising ko. Tch.

Kagaya nga ng sinabi ni Dad ay nandito pa rin kami sa bahay ni Love. Inumaga na kami dito dahil pagkagising ko ng 6pm kagabi ay nadatnan ko pa sina Kirro na nag-iinom sa garden. Nakisama ako sa kanila kaya heto tinanghali kami ng gising ngayon dahil madaling araw nang natapos ang inuman session namin.

Nilibot ko ang paningin ko. Lahat pala kami ay nasa iisang kwarto. Sinabi ko pa naman kina Dave na meron pang kwarto sa taas na para sa bisita. Hindi na siguro nila nakuhang umakyat dahil sa sobrang kalasingan. Mabuti na lang at may mga maids na nagbigay sa kanila ng extra na kutson. Nagtabi-tabi sila sa baba ng kama.

Naiiling akong lumabas ng kwarto. Pagkalabas ko ay naamoy ko agad ang mabangong niluluto mula sa kusina.

*Arff! Arff!

Napunta ang atensyon ko kay Copper na nagpapapansin sa harap ko ngayon. Panay ang untog niya sa paa ko. Ang kulit ng buntot niya. Naalala kong dadalhin ko nga pala dito sina Silver at Gold gaya ng sabi ni Alien ko.

Binuhat ko si Copper at sinama ko na lang sa pagpunta ng kusina. Naabutan ko ang mga maids na abalang nagluluto ng tanghalian.

"Magandang umaga sa iyo, hijo. Halika't kumain ka muna, naghanda si Feya Reigh ng sandwich sa inyo. Nagbake rin siya ng cookies. " aya ng may edad na kasambahay.

Napatingin ako sa mahabang lamesa na mayroon ngang pagkain. Lumapit ako dito habang sinusuklay ang balahibo ni Copper.

'Si Love ang gumawa nito? Ibig sabihin ay kaya niya na? '

Naisipan kong pumunta sa kwarto na pinagdalhan ko sa kanya. Katabi lang naman ito ng kwartong pinagtulugan namin nina Kirro. Kumatok ako ng tatlong beses at naghintay ng ilang saglit pero walang nagbukas. Nagdesisyon akong ako na lang ang magbubukas pero nang makapasok ako ay wala akong nadatnan. Siguro ay nasa labas siya ngayon.

"Arff! Arff! " muling tahol ni Copper.

"Ssh.. quite, okay? "

Nagpunta ako sa garden at hindi ako nabigong makita ang taong mahal ko. Sakay siya ng wheel chair niya at namimitas ng mga bulaklak. Nakatalikod siya sakin kaya hindi niya pa napapansin na nandito ako.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Ibinaba ko muna si Copper sa lupa para mayakap ko ng mahigpit ang Alien ko. Pinakamagandang alien na nakilala ko.

"Love? " tanong niya. Naka-back hug kasi ako sa kanya.

"Good morning. " malambing kong sabi.

"Good morning? It's already noon time. " natatawang sabi niya.

"Kakagising ko lang kasi. "

"Inom pa more. " mataray niyang sabi.

"Galit ka? "

"Bakit naman ako magagalit? " kunot noong tanong niya.

"Sa tono kasi ng boses mo. "

"Tss. Hindi ah. "

Humarap ako sa kanya at tinitigan siya sa mata. Nalabanan niya naman akong titigan.

"May schedule ka ng check up ngayon. " usal ko.

"Hindi ko nakakalimutan. " sagot naman niya.

"Teka, galit ka ba? " paglilinaw ko.

"Hindi nga, ang kulit? "

My Life as a Personal Alalay (COMPLETED)Where stories live. Discover now