CHAPTER 57: SORRY

2.4K 111 29
                                    

Eirro Wayne's POV



Halos paliparin ko na ang kotse ko sa sobrang bilis ng pagpapatakbo ko. Nakakailang tawag na ko kay Feya pero ring lang to ng ring. Hindi niya sinasagot ang tawag ko. Baka galit na sakin yon dahil ang tagal kong magpakita sa kanya. Baka naiinip na siya don.

Hindi ko na maayos na naparada ang kotse ko. Nagmadali akong pumasok sa loob ng SWF. Dahil madilim na ay nahirapan akong hanapin siya. Wala na kong makitang tao dito. Nagsiuwi na rin siguro.

Muli kong kinuha ang phone ko at muli siyang tinawagan. Natataranta ako na nagpapari-parito.

"Damn. Where are you, Feya Reigh? "

"Sir? May hinahanap po ba kayo. "

Isang ale ang lumapit sakin. Nag-aalala ang mukha niya at patingin-tingin sa kung saan.

"Bakit po? " tanong ko.

"Hijo, may nakita akong dalawang lalaki kanina na mukhang hina-harass yung isang babae. Hindi ko na sila makita ngayon. "

"What? "

"Kinakabahan ako. Baka kung anong gawin nila sa babae. Mga mukhang adik pa naman. "

Nanlambot ang mga tuhod ko. Kung ano-anong pumasok sa isip ko. Baka si Feya ang tinutukoy niya.

"Thanks sa info. Tatawag na ko ng pulis. "

Kaagad kong tinawagan ang kaibigan na pulis ni Dad. Mabilis niya itong sinagot. Sinabi ko sa kanya na magmadali siyang pumunta dito kasama ang mga tauhan niya.

Hindi na rin maganda ang pakiramdam ko. Feeling ko may nangyayaring masama sa kanya. Ayoko mang mag-isip pero yun ang unang pumapasok sa utak ko.

Habang hinihintay ang mga pulis ay nagpatuloy naman ako sa paghahanap. Kung saan-saang kwarto ang napasukan ko hanggang sa may isang dulong kwarto akong nakita.

"TULOOOOOONG! "

Nanlaki ang mata ko nang marinig ang boses niya na nanggagaling mismo sa loob ng maliit na kwartong iyon.

Mabilis ko itong tinakbo para tignan kung naroon nga siya. Pilit kong binuksan ang doorknob pero naka-lock ito. Bumwelo ako para sipain ito ng malakas.

Gayon na lang ang dismaya ko nang wala akong makitang kung anuman sa loob. Bukod sa madilim ay wala ring bakas ng mali.

Lumabas muli ako at nagpatuloy sa paghahanap. Palakad-lakad na ko nang biglang tumunog ang phone ko.

"Nandito na kayo? Okay, papunta na ko. "

Pinatay ko ang tawag at muling tumakbo papunta sa entrance kung nasaan ang mg pulis. Marami sila katulad ng inaasahan ko.

"Wala na tayong oras. Hanapin na natin siya. " bungad ko sa kanila.

"Sigurado ka bang nandito sila? "

Natahimik ako.

"I'm not sure but I badly feel it! "

Tumango-tango siya.

"Dun kayo maghanap, kayo naman doon, yung iba sa banda don at kami sa dulo na yon. "

Nakahinga ako ng maluwag nang magsimula na siyang mag-utos.

"Sir, sasama ko sayo. " sabi ko.

"Dito ka lang, baka may armas ang mga kalaban. "

"Sir, girlfriend ko yung nasa loob. Kailangan ako non! "

Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang salitang yon pero wala na kong pakielam. Gusto kong sumama sa paghahanap.

"Back-upan niyo to. " utos niya sa dalawang pulis na mabilis na pumunta sa likuran ko.

My Life as a Personal Alalay (COMPLETED)Where stories live. Discover now