CHAPTER 3

4.6K 111 2
                                    

After 5 months... 

"Eirro, babe. Kailan mo ba 'ko papakilala sa parents mo? " tanong ng malanding babae na grabe makalingkis sa braso ko. Ang suot niya ay halos makita na ang kaluluwa at nagkakapalang make-up.

"In your dreams! Wala akong parents 'no! Tsaka ilang araw pa lang tayong nagkikita, ipapakilala na kita agad? Ang kapal naman ata ng mukha mo! Umalis ka na nga sa tabi ko at baka maihagis kita sa DJ." naiinis kong sabi sa kanya.

Muntik na kong masuka nang magpaawa ang mukha niya sakin. Hindi na ako nakapagdalawang isip at marahas siyang inihagis sa lamesa na puno ng mamahaling wine.

Nakita ko kung paano mamuo yung dugo sa iba't ibang parte ng katawan nang mabasag ang ilang wine glass at bote. Nabasa rin ang kanyang damit dahil sa paglawa ng mga inumin.

Natawa na lang ako sa itsura niya. Satisfying. Wala akong pakielam sa mga taong nakakita sa ginawa ko besides wala rin silang magagawa. Hindi nila ako kaya.

"Holy shit! " 

"Siya yung dating heart broken 'di ba? Grabe ang laki na ng pinagbago niya. "

"Huh! Ganyan na siya dati, 'no! Ganyan ang parati niyang ginagawa kapag may babaeng pumilit sa kanya. "

"'Wag kasing pilitin, baka pumayag. "

"Akala ko ba ay banned niya dito? "

Ilan lang 'yan sa mga narinig kong bulungan ng mga babae sa likuran ko. Tinignan ko sila ng masama dahilan upang dali- dali silang magsi-alisan sa paningin ko.

Lumayo ako banda sa lugar kung saan tinulak ko yung babae. Hindi ko kailangang makaramdam ng awa at konsensya. They're right, hindi ko gustong pinipilit ako sa isang bagay na ayokong gawin. Maikli lang ang pasensya, hindi niyo gugustuhing masagad ito.

Nagtungo ako sa bar island at nag-order ng hard drinks. Minatahan ako ng bartender ngunit agad ding nag-iwas ng tingin nang mahuli ko. It's rude to stare like that.

Tahimik lang akong uminom habang nililibot ng tingin ang buong bar. Hot Way Bar na puno ng mga taong walang magawa sa buhay. Kasama na 'ko do'n.

Its been a couple of months simula nang baguhin ko ang sarili ko. Yung katawan ko lang naman ang binago ko e. Pero yung ugali ko na alam ko namang gago ay mas lalo ko pang pinalala. At makalipas ang limang buwan na 'yon halos wala na akong maalala sa mga nangyari sakin.

Nalalaman ko lang kung sasabihin sakin ng kaibigan kong si James. Sinabi niya saking kaya daw naging ganoon yung nangyari sa katawan ko ay dahil nakipag-break daw sakin si Samantha. Ni hindi ko na nga nakikita yung babaeng yun e. Baka nagpakamatay na dahil narealize niya na sobrang gwapo ng ex niya. Kumbaga total package na. Pero kahit ganun hinayaan ko na lang. 'Di na ko gaanong nagtatanong sa kanya. 

"Eirro? Is that you? " Napalingon sa pinanggalingan ng boses. It's a beautiful girl, kaagad akong nabighani.

Ngumisi ako at nang-aakit siyang tinignan. "Yes but do I know you? " malambing kong tanong.

Umupo siya sa katabi kong stool at di makapaniwalang tinignan ako. Nagsalubong naman ang kilay ko sa uri ng tinginan niya. May dumi ba ako sa mukha?

"Of course! I'm Raquel, yung ka- flirt mo dati. My gosh! Di mo na ba ko maalala? " umiling ako na kinatawa niya ng sobra. "Masyado kasi akong gumanda kaya hindi mo ako nakilala agad! " natutuwa niyang sabi.

Nankangisi kong inilingan ang sinabi niya. Pinakatitigan ko pa ang mukha niyang tila ngayon ko lang nakita. Hindi ko talaga siya maalala. Anong ebidensya niya para sabihing kilala ko siya? Kahit ang Raquel niyang pangalan ay hindi tumunog sa ulo ko.

My Life as a Personal Alalay (COMPLETED)Where stories live. Discover now