CHAPTER 4

4.4K 118 2
                                    

 ALA SAIS pa lang ng umaga ay umalis na ako sa apartment. Kailangan ko pang pumasok muna sa klase bago dumiretso sa mansion na pagtatrabahuhan ko.

Inaasahan ko nang magtataka at magtatawanan ang mga estudyanteng nadaraanan ko. Paano'y may dalawa akong isang maleta na naglalaman ng mga damit at gamit ko. Magiging hassle kasi kung uuwi pa ako sa apartment para lamang daanan ito kaya heto, sinama ko na lang.

Biology ang first subject namin at halos makatulog ako sa upuan ko dahil sa sobrang boring ng discussion. Magaling naman ang teacher na nagtuturo, sadyang hindi lang ako makasabay sa sinasabi niya. Dumurugo lang ang ilong ko sa dami ng terms niyang hindi ko maintindihan.

Nagsitayuan agad ang lahat nang tumunog ang bell para sa lunch. Walang nagawa ang professor kundi imisin ang kanyang gamit at wakang imik na lumabas ng classroom namin.

Nilingon ko si Kylie-- my best friend upang ayaing kumain sa canteen. Nairita pa ako ng makitang mabagal niyang inaayos ang kanyang mga gamit.

"Lie! Bilisan mo at marami ng tao sa canteen! " 

Nakilala ko siya bilang maalaga sa mga gamit. Gusto niyang organized ang lahat ng bagay na pagmamay-ari niya. Sa loob man ng bag o kahit nasa labas pa. Hahanga ka rin sa handwriting niya dahil may kung ano pa siyang dekorasyon sa kanyang notes. Malilibang ka talagang magbasa sa notebook niya sa tuwing magre-review kami.

Nakakainis lang dahil kumakain ng oras ang pagiging mabagal niya sa pag-aayos. Kung maaari lang siyang magdala ng plantsa upang hindi niya makitang kusot ang kanyang mga papel ay gagawin niya. Ganoon siya ka-obsessed sa kanyang mga gamit. Nakakabaliw.

 "Wait lang, okay? Gutom na gutom? " angil niya habang nilalagay sa loob ng case ang mga mamahalin niyang sign pen.

 "Oo! At makakain na kita kapag hindi mo pa binilisan dyan! " singhal ko dala ng pagkainip.

"Amag ka talaga! Halika na nga at bibilhin ko 'yong buong canteen para sa'yo. " 

Sinukbit niya ang kanyang bag nang matapos sa pag-aayos. Nakahinga naman ako ng maluwag nang matapos siya sa kanyang ritwal. Tss.

Nagtungo muna kami sa locker upang ilagay ang mga librong bitbit namin. Hindi kami nagtagal ay kaagad ring dumiretso sa canteen.

"Anong bibilhin mo ngayon? " tanong niya sakin habang nakikipag-siksikan kami sa mga tao dito.

Sobrang crowded talaga. Mayroon namang pitong kantina sa eskwelahang ito. May itinatayo pa ngang bago dahil napupuno talaga ng estudyante ang bawat kainan dito.

"Burger and coke lang sapat na. " usal ko.

"King burger ang bagay sayo tapos one liter na coke. Ang takaw mo kaya! " panunuya niya.

Saglit ko siyang sinamaan ng tingin bago ako naghanap ng mauupuan.

"Diet ako ngayon, 'no! At isa pa marami akong kinain sa bahay kaya sapat na sa'kin yung burger at coke. " paliwanag ko.

"Bahala ka! Ililibre pa naman sana kita. " 

Nagliwanag ang mukha nang marinig ang magic word niya. Awtomatiko akong ginanahan sa pag-isip kung anong masarap kainin.

"Ay tamang-tama! Gutom na gutom talaga ko, e. Kaya nga minamadali kita kanina di ba? Bilis libre mo na 'ko. " nakangusong wika ko at nag-pretty eyes pa sa kanya. 

"Sabi na nga ba, e. Patay- gutom ka talaga. " sambit niya na tinawanan ko lang.

Nasa counter na kami at kami na ang o-order.

My Life as a Personal Alalay (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora