CHAPTER 41: Tagay pa!

2.5K 70 0
                                    

Feya Reigh' s POV

Katulad nga ng sinabi ko ay inumpisahan ko na ang pagpipinta ngayong araw. Tirik ang araw ngayong tanghali mabuti na lang ay may mga nakatayong mga puno dito sa garden.

Wala akong magawa ngayong araw at hindi ko naman nakalimutang gawin ngayon ang pagpipinta ko dahil magdamag kong pinag-isipan ang ipipinta ko.

Nagpasya akong umalis sa mansion. Pupunta ako ngayon sa lugar kung saan palagi ko noong pinupuntahan. Yung mga panahon na may problema ako at gusto ko lang na maging magaan ang pakiramdam ko. Lugar na palaging pinapakinggan ang hinanaing ko. Lugar kung saan ko unang dinala si Imma.

Mabilis ko itong narating dahil na rin sa walang traffic. Wala gaanong tao dahil mainit ngayon. Sana pala ay medyo hapon ako pumunta dito para hindi ako masilaw sa sinag ng araw.

Pero okay na rin dahil sobrang ganda pa rin naman ng tanawin. Naroon pa rin ang makukulay na bulaklak sa ibaba. Mula dito sa itaas ay kita ko ang nagtataasang mga iba't ibang klase ng puno. Pati na rin ang malinaw na ilog na kumikinang pa sa sinag ng araw. Naroon rin ang malagong mga halamanan na pinamumulaklakan ng iba't ibang uri ng mga bulaklak.

Mabuti na lang at hindi nila ginagalaw ang lugar na ito. Isa na lang ito sa mga natural na ganda ng tanawin dito sa Laguna. Bibihira na lang ang ganitong kagandang tanawin. Sana patuloy pa itong lumago at gumanda habang lumilipas ang panahon.

Magandang ipinta ang lugar na ito dahil naging bahagi na rin ito ng buhay ko. Siguro ay hindi na siya mawawala sa sistema ko dahil napamahal na rin ito sakin.

Sinet-up ko na ang mga gamit ko. Itinayo ko sa isang patag na lugar ang stand kung saan ilalagay ko ang solid surface na pagpipintahan ko.

Habang naghahalo ako ng kulay ay may babaeng lumapit sakin. Matangkad ito at maganda na sa tingin ko ay kaedaran ko.

"Hi. " nakangiti niyang bati sakin.

Ngumiti rin ako sa kanya.

"Hello, anong matutulong ko? " tanong ko.

"Hindi, wala naman. Gusto lang kitang makitang magpinta. " wika niya.

Mayroon sa babae na nakapagpagaan ng loob ko sa kanya. Hindi siya yung tipong katulad ng iba na may bitchy attitude though hindi ko pa naman siya lubusang kilala. Pero halata naman kasing mabait siya.

"Nako nakakahiya naman, baka pangit kalabasan dahil ngayon lang ako magpipinta after so many years. " nahihiya kong sabi.

Natawa siya at umiling.

"No, it's okay. Wala kasi akong magawa at gusto ko lang na maaliw. "

"Ganun ba? S-sige.. "

Hindi na ko nagsalita at pinagpatuloy na ang ginagawa ko. Kahit na nakakailang dahil sa presensya ng babaeng ito. Ayoko sanang may manood sa pagpipinta ko pero wala akong magagawa dahil nasa public place ako ngayon.

"Ang galing mo namang maghalo ng kulay. " puri niya.

Matamis akong napangiti sa sinabi niya. Hindi pa man ako nag-uumpisa ay may pumupuri na sakin. Pinapalakas niya ang loob ko na maisagawa ng maayos itong painting.

"Salamat. " nahihiya kong sagot.

"Gusto ko rin tuloy matutong magpinta. " nakangusong sabi nito.

Ako naman ang natawa dahil ang kulet ng mukha niya. Para siyang bata sa asta niya.

"Pwede ka namang magpaturo sa mga magagaling na painter. " suhestyon ko.

Umiling siya at bumuntong hininga.

My Life as a Personal Alalay (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon