CHAPTER 65: BE CAREFUL

2.4K 53 3
                                    

Feya Reigh's POV

Kakatapos lang ng meeting ngayon. Balik office ako para asikasuhin ang ibang bagay. Konti na lang at malapit na ring matapos ang binubuo naming bagong project. About ito sa extension nitong company. Dahil isa na rin ito sa pinakakilala at pinakamalaking corporation dito sa Laguna.

"Excuse me, ma'am. May tawag po kayo sa phone."

Iniligpit ko muna ang mga files na nasa table ko at tsaka kinuha ang phone sa secretary ko.

"Good morning, I'm Ms. De Silva." bungad ko.

"Hello, Feya."

Nanlaki ang mata mo sa pamilyar na boses na narinig ko. Bigla akong kinilabutan.

"Sino to?" tanong ko.

"Shh. Wait ka lang at malalaman mo rin. By the way, natanggap mo ba yung pinadala kong sulat? Pasensya ka na at wala akong magamit na ballpen kaya sariling dugo ko na lang."

Nanginginig ang mga kamay kong pinatay ang tawag. Habol ko ang paghinga ko sa kaba.

Sino kaya ang taong yon? May masama kaya siyang balak sakin? Sa pagkakaalala ko ay wala naman akong atraso sa kahit na sino.

Bakit niya ko kilala? Hindi ako pwedeng magkamali sa boses na yon. May kutob akong siya yung tao sa likod nito.

"Love."

Muntikan na kong mahulog sa swivel chair ko dahil sa paggulat sakin ni Imma. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko dahil don.

Hindi man lang kumatok bago pumasok. Tsaka hindi naman siya nagsabi sakin na pupunta siya. Ginagawa niya ng pasyalan ang kompanya ko.

"Eirro Wayne, ginulat mo ko." Saway ko sa kanya.

Natatawa siyang lumapit sakin at niyakap ako ng mahigpit. Naramdaman ko pa ang paghalik niya sa tuktok ng ulo ko.

"Baka pwede na tayong mag-outing ngayon, love. Good thing dahil nangungulit sakin si Kirro at ang mga kaibigan niya." usal niya.

Huminga ako ng malalim at napapagod na tumingin sa kanya. Inalis ko ang isipin ko tungkol sa tumawag sakin. Hindi siya magandang biro.

"Pwede naman kayong umalis kahit na wala ako."

"Sila pwede, pero ako? Hinding-hindi makakaalis nang wala ka sa tabi ko."

Always bolero. Tch.

"Nakaalis ka nga papuntang France e. Don't me, Eirro." Mataray kong sabi.

Nagtataka niya kong tinignan. Hinawakan niya pa ang noo ko na parang may sakit ako.

"Bakit biglang naging ganyan mood mo? Meron ka ba ngayon?"

Bigla ko siyang hinampas. Ayoko sa lahat ay yung mababanggit niya ang tungkol don. Nakakahiya kaya.

"Umalis ka na kaya para matapos ko na yung trabaho ko." Pagtaboy ko sa kanya.

Pumwesto siya sa likuran ko at niyakap ako ng mahigpit. Ano na naman kayang nakain niya?

"Sige na, love. Sumama ka na sa outing namin. Hindi ako mag-eenjoy kung wala ka." Makaawa niya.

Napakagat ako sa ibabang labi ko at napaisip. Kung magli-leave ako, matatambakan na naman ako. Nakakainis naman kasi e!

"Okay fine! Saan ba yung gala niyo?" Inis kong tanong.

Masaya siyang humarap sakin at bigla akong hinalikan ng mabilis sa labi. Hindi matumbasan ang ngiti sa labi niya. Napangiti naman ako dahil yun lang pala ang magpapasaya sa kanya ng ganyan. Ang babaw masyado ng boyfriend ko.

My Life as a Personal Alalay (COMPLETED)Where stories live. Discover now