CHAPTER 68: TAMPUHAN 101

2.3K 60 6
                                    

Feya.

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Alam mo yung feeling na nagising ka at kahit gusto mong bumalik sa pagtulog ay hindi na.

Tuluyan na nga akong tumayo at nagtungo sa may bintana. Bumaling ako sa mga kasamahan ko na himbing pag natutulog. Natuwa pa nga ako dahil nakita kong nakadagan si Pat kay Thomson. Magkatabi naman ang magkambal na kahit sa pagtulog ay pareho ng way.

Sumilip ako sa labas. Madaling araw palang. Dinig ko ang tilaok ng mga manok ganun din ang iilan na kuliglig. Binalak kong lumabas para makapagpahangin pero nagbago ang isip ko nang maalala si Kel.

Baka mamaya ay gulatin niya na lang ako. Dalhin ako sa kung saan na walang nakakaalam.

Saan ba ako pupunta ngayon? Wala akong magawa.

Tumungo na lang ako sa lugar kung nasaan ang mga bag namin. Kinuha ko ang jacket ko na may hoodie. Sinuot ko ito bago lumabas. Siguro naman walang Kel dito.

Napangiti ako nang makita ang araw na malapit ng sumikat. Napatingin ako sa wrist watch ko. 5:24 na ng umaga.

Ang sarap ng sariwang hangin dito. Ibang-iba sa hangin ng Maynila.

"Ineng, anong meron at maaga kang nagising?" isang matandang babae ang gumulat sakin.

Napahawak pa ako sa dibdib ko bago siya sinagot.

"Hindi na po ako makatulog e." sagot ko.

Napatingin ako sa hawak niyang timba na hindi ko mawari ang laman.

"Ganun ba.. e kung gusto mo sumama ka sa akin manguha ng kabibe sa tabing ilog na malapit dito?" alok niya.

Napangiti ako. Namiss ko ang pangunguha ng kabibe. Nine years old palang ako nang huli akong nanguha. Kasama ko pa nga si Troy. Nakakatuwa lang balikan.

Dinala ako ni Manang Rosa sa ilog na hindi nga kalayuan sa kubong tinutuluyan namin. Malakas ang agos ng tubig. Malinaw at marami rin akong nakikitang mga isda at kabibe sa gilid.

"Hija, marunong ka bang manguha?" tanong nito.

"Opo naman! Madali lang ho yan." magana kong wika.

Sumilay ang malaking ngiti sa labi na mukhang natuwa sa sinabi ko.

"Mabuti naman kung ganon. Ang alam ko kasi ay hindi maalam ang mga taga-maynila sa ganitong bagay."

Pumwesto na siya sa tabi ng ilog. Inumpisahan niya nang kuhanin ang mga nakakalat na kabibe sa ilog.

"Mali po kayo, bata palang ako marunong na kong kumuha. Si Mama ang nagturo sakin nito. "

Inipon ko muna ang kabibe sa palad ko bago ito nilalagay sa balde.

"Nakakatuwa naman kung ganon. Magtatagal ba kayo dito sa Beniting?"

"Balak po naming akyatin ang bundok niyo. Nalaman po naming may thrill ang pag-akyat sa bundok na yan." paliwanag ko.

"Balita ko nga ay may mga turistang interesado sa pag-akyat.. mainam naman dahil may mga taga-bantay sa bawat dadaanan niyo."

Lumipat ako ng pwesto dahil wala na sa pinagkukuhanan ko. Pag-apak ko sa malaking bato ay muntikan na kong ma-out of balance dahil may lumot pala ang inapakan ko. Mabuti na lang at matibay ang kabilang paa ko. Kundi magsu-swimming talaga ako nito nang wala sa oras.

"Mag-ingat ka, hija, delikado ang mga bato rito."

Hinabol ko ang hininga ko sa kaba. Alam mo naman yung feeling na kapag mapapahamak ka di ba? Bumibilis ang tibok ng puso.

My Life as a Personal Alalay (COMPLETED)Where stories live. Discover now