FIVE

456 23 31
                                    

"Tita Jaki, nandito ka pala" bati sa akin ni Camille na galing yata sa kwarto niya sa taas dito sa bahay ni Vice.

"Kadarating ko lang actually" bumeso muna ako sa kanya bago bumalik sa kinauupuan ko kanina.

"Kumain ka na Tita? Nagluto sila diyan kanina"

"Oo tapos na kanina pa. Dumaan lang ako kasi akala ko nakauwi na dito si Vice"

"Sana nagtext ka na lang po muna sakin. Nagtataka din kami kasi hindi siya dito dumiretso may taping pa yata"

May tinatago ba si Vice sa akin?


Dapat kasi ako ang susundo sa kanya kagabi pero nagpasabi lang siya na wag na daw, wag na daw ako mag-abala. Kailan pa ba siya naging abala para sa akin? Hindi na ako umangal pa pero nitong pagkagising ko ni wala siyang message o update manlang. Bumabawi ba siya kasi hindi ko siya nasabihan ng mga ganap ko nitong nakaraan. May plano akong ikwento sa kanya lahat simula sa nangyari kay Madc, sa pagtulog ko sa apartment niya, pati na rin ang ginawa nung ex-boyfriend ko.


Pagod siguro kaya nagpahinga na kaagad, iyon na lang ang sinabi ko sa sarili ko ngunit wala akong dinatnan na Vice dito sa bahay niya. Nauna yung mga gamit pero wala ang may-ari.


"Nasaan ka ba kasi Viceral?" Naiinis kong binalik sa bag ko ang phone ko bago nagdrive papunta sa condo ko. Doon muna ako magpapalipas ng inis sa isang 'yon. Namimiss ko na nga pinagtataguan pa ako.


"Surprise" Isang ideya na pumasok sa isip ko.


Hindi kaya may pinaplanong surpresa ang Viceral na iyon.


"Wag mo na lang ispoil Jaki. Kunwari wala kang ideya" paalala ko sa sarili ko. Para na akong baliw dahil kinakausap ko ang sarili ko dito sa loob ng sasakyan.


Sumapit na ang gabi pero ni anino ni Vice ay hindi sa akin nagpakita. Wala rin itong post sa social media accounts niya para naman maupdate ako. Ni tuldok ay wala siyang message sa akin.


Nagsimula na akong mag-alala. Ibang kaba na ang nararamdaman ko. Kung kanina may halo itong excitement dahil nga baka may inihanda lang siyang surprise sa akin, ngayon kaba at takot ang bumabalot sa sistema ko.


"Paano kung may masamang nangyari sa kanya? Malapit na ang kasal hindi kaya..."

Nagulat naman ako dahil pag-atras ko ay siyang pagkahulog ng baso na kanina lamang ay nasa lamesa.

"Hindi pwede!" Madali kong niligpit ang nabasag at tinawagan lahat ng mga posibleng kasama ni Vice. Naabala ko pa sila Ate Anne at ilang hosts ng show para lang itanong kung nasaan siya. Halos lahat sila ay ginawang biro ang paghahanap ko. Baka daw nagpapamiss o may pakulo na naman ang isang 'yon.


Nakampante lamang ako nang sinabi ni Archie sa akin na nasa condo lamang daw niya si Vice at nagpapahinga. Tulog na tulog lang daw siguro ito kaya hindi masagot ang mga tawag ko.






10:30 PM

Bumubuhos na ang malakas na ulan sa labas kaya bumalik na ako sa unit ko. Balak ko sanang puntahan si Vice pero hindi nakikisama ang panahon.

Nagpalit na ako ng damit pantulog pero naabala ako sa sunod sunod na pagtunog ng doorbell at malakas na pagkatok mula sa labas.


Si Vice siguro ito.


Tinext kasi ako ni Buern na wala daw si Vice sa bahay at condo niya. Nag-aalala nga daw sila kung saan ito nagpunta pero mukhang nandito na siya.


Tuwing UmuulanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon