SEVEN

392 22 24
                                    

Flashbacks...

"Meme, tama na 'yan. Nakakarami ka na" Parang wala naman naririnig si Vice at muling inistraight ang hawak niyang baso ng alak.


"Kaunti pa lang ito. Ano ba?! Hahahaha. Waiter! Isa pa nga"


Napapailing na lang ang mga kasama niya sa inaasal niya. Walang bago dahil simula noong umalis si Jaki ay alak na ang kasama ni Vice tuwing gabi. Naging routine niya na ito, gigising ng maaga at may hangover para maghanap kay Jaki, humingi ng updates sa mga kakilala niya, pumasok ng sabog at lutang sa trabaho, at pagdating ng gabi ay nasa bar siya. Kung minsan naman ay sa condo niya na pagpasok mo pa lang amoy alak at sigarilyo na.


Naging ganito na siya noong nawala si Jaki, noong umalis ito ng hindi man lamang sila nakapag-usap nang maayos.


"Tawagan ko sila Vhong ah, baka sila may magawa diyan kay Meme. Hayy kastress" saad ni Buern bago lumayo sa mga kasama.


Ilang sandali pa ay tumayo si Vice, pagewang gewang at nawawalan pa ng balanse.

"Oh teka, saan ka pupunta?" Pigil ni Archie sa kanya.

"Magbabanyo lang ako. Bitaw nga!! Kaya ko sarili ko" Lasing na sabi niya. Bilang napipikon na rin si Archie ay hinayaan na niya si Vice umalis. Ni hindi niya ito tinulungan pero sinundan niya nang tingin kung sa CR nga ba pupunta.

"Nasaan na siya?"

"MagCR lang daw. Anong sabi nila Vhong?"

"Papunta na daw, mabuti malapit lang sila dito. Kasama niya si Anne at K. Puntahan ko lang si Meme baka kung napano na 'yon"

Tulala lang si Vice sa harap ng salamin sa CR. Naghilamos muna siya at nakatitig lamang sa mukha niya. Walang make-up, ang tamlay ng mata, mas malaki pa nga yata eyebags niya dito.

"Nakikita mo na ba ang sinasabi namin? Mukha kang wasted, mali pala, wasted ka talaga" Pagsulpot ni Buern sa tabi niya.

"May nakapagsabi sa akin kaninang umaga na possible nga na wala si Jaki dito sa Pinas. Nakaalis na kaagad siya at iniwan na nga ako." Kwento niya.

"Hanapin natin. Sundan mo."

"Baka heto talaga ang gusto niya, na magkalayo na lang kami. Ipagpipilitan ko ba Buern?"

"Mahal mo 'yon diba Meme?" Nilingon siya ni Vice bago ito sumagot.

"Mahal na mahal" saad niya.

Napalingon naman ang dalawa sa pinto nang may pumasok na dalawang lalaki.

"Meme, nandito pala kayo" Bati ni Vitto sa kanya.

Palapit pa lamang si Vitto ay nilampasan siya ni Vice. Huli na sila dahil isang lalaki ang biglang natumba sa sahig.

"Meme!!!" Awat ni Buern sa kanya. Nakangisi naman bumangon si Tom at nagpunas ng labi.

"Yun lang kaya mo?" Sinugod niya rin si Vice. Nakailag man ay nasundan naman siya ng suntok sa braso na nagpaatras sa kanya.


Nag-init mas lalo ang ulo ni Vice. Parang nawala ang tama ng alak sa kanya at napalitan na lamang ng galit sa lalaking kasalukuyan niyang sinasaktan.


"You ruined everything!! Hindi sapat ang suntok sayo!! You better die!!" Sigaw ni Vice bago ilock ang ulo nito sa braso niya.



Nagsidatingan ang bouncer at napaghiwalay sila. Habol hininga si Tom habang parehas silang duguan. Nasugatan ang gilid ng kilay ni Vice, nanlalabo ang paningin niya dahil sa dugong dumadaloy galing doon.



Tuwing UmuulanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon