NINETEEN

246 19 12
                                    

Hindi ito yung dapat na sunod na update pero napag-isipan ko baguhin para sa twist na kaagad. 😉

Sabi rin kasi sa lyrics ng kanta habang sinusulat ko ito...

"Ang lahat ay nagbabago..." (Hindi Na Nga - This Band)

Charot. 😅

Nababagalan kasi ako sa flow nito talaga. Suggest kayo kung may gusto po kayong mangyari. Gagawin ko po basta hindi imposible.

_________________________________________

"Wag makulit kay Daddy mo, okay? Madaming tao doon sa trabaho niya, kapag kinausap ka nila anong dapat gawin?"





"I will answer po in a very polite manner. Tapos po kailangan palaging may respect, wag magkukulit, dapat po palaging mabait"




"Very good. Basta wag ka aalis sa tabi ni Daddy mo or nung PA niya para mabantayan ka"




"Yes po Mommy"





"Promise Mommy na hindi ka maglilikot doon. Ayoko na ulit bumalik sa ospital, ayoko na ulit umiyak sa pag-aalala sayo"





"Mommy ko talaga. I learned my lessons na po, di na po ako magkukulit ng sobra, behave na po ako at di na po ako aakyat kung saan saan" At yumakap siya nang mahigpit kay Jaki.




Kailangan niya kasing umalis ngayon. May kaunting aasikasuhin daw at hindi na isasama si Jaice para maging fair sa akin.




"Promise?" Nakipag-pinky promise pa siya dito.





"Promise po" masiglang sabi ng bata.





Nilingon naman ako ni Jaki.





"Alagaan mo 'to ah. Kumpleto na yung mga gamit niya sa bag, good for five days iyon kahit three days lang ako mawawala. Pati vitamins niya kasama na doon" tumango lang ako sa mga bilin niya.



"May maliit na notebook doon sa bag niya hanapin at basahin mo na lang. Yung mga bawal na pagkain sa kanya nakasulat rin. Please, wag mo ibigay kaagad sa kanya ang hilig niya lalo na sa sweets baka ubuhin siya..."




"Yung mga---"





"Jaki tama na. Ilang beses mo na ako pinagbilinan. Okay na, alam ko na lahat. No need to worry kasi di na mauulit yung nangyari sa kanya. Dobleng pag-iingat ang gagawin ko sa kanya ngayon" pagputol ko sa kanya.





"This is the final boarding call for passengers booked on flight 3131A to Los Angeles..."





Lumuhod si Jaki sa tapat ni Jaice. Tinatawag na ang flight niya.






"Be good here sweety. Mommy will miss you, tatawag ako kapag may oras para kumustahin ka"





"Magbabait sa daddy mo, okay? Please baby don't do anything na magbibigay nang pag-aalala kay Mommy. I love you baby ko.."





"M-mo-mommmyyy" nagsimula na magteary eyes ang anak ko. Humihikbi siya kahit di pa umiiyak.




"Wag na umiyak, babalik si Mommy after three days. May kailangan lang ako ayusin doon" niyakap niya si Jaice na tuluyan na ngang umiyak.




Unang beses nilang magkakalayo nang ganoon katagal. Kahit noong baby pa si Jaice ay palagi siyang kasama ni Jaki sa lahat ng lakad nito.





Tuwing UmuulanWhere stories live. Discover now