FOUR

426 22 11
                                    

"Yup Lovey. Take care. Mag-ingat ka magpapakasal pa tayo"



Muli ko ulit paalala kay Vice na nasa break niya sa taping.


"Opo. Ang sweet mo naman mas lalo kitang namimiss"


"Ilang araw na lang naman Lovey uuwi ka na rin. Ako susundo sayo sa airport"


"Wa—"


"SA AYAW AT SA GUSTO MO" saad ko bago itinaas baba pa ang kilay ko. Kita ko ang pag-ikot ng mata niya na ikinatawa ko lang.


"Okay alam ko naman na wala akong magagawa kapag nagpilit ka pero basta ako magdadrive. Period"


Aangal pa sana ako pero siya naman ang nagtaas baba ng kilay niya.


"Oh sige na nga"


"Sige na Lovey late na diyan. Matulog ka nang mahimbing, magtatrabaho pa ako dito para sa kinabukasan ng mga magiging anak natin"


"Wow naman sa mga. Hahaha. Di pa natin napag-uusapan 'yan"


"Pagbalik ko na lang Lovey pero okay na ako siguro sa lima or kaya isang dosena. Kaya mo naman siguro"


"Siraulo! Anong tingin mo sakin? Baboy?"


"Hahahaha. Kaya nga pag-uusapan natin pagbalik ko. Ang init na agad ng ulo mo"


"Sige na nga. Matutulog na ako. I love you Lovey" pagkabitaw ko pa lang ng mga salitang iyon ay siya naman paghikab ko.


"Tulog na ikaw Lovey ko. I love you mostest" Malambing na saad niya.



"Kiss, kiss" request pa niya bago ngumuso sa screen na agad ko rin pinagbigyan.


"Sleep tight Jaki ko" rinig ko pang sabi niya bago ako pumikit.



Hindi ko na alam ang sunod na nangyari dahil kaagad din akong nakatulog. Nang magising ako ay mataas na ang sikat ng araw.


"Oh Anak, magbreakfast ka na" bungad ni Mommy pagbaba ko pa lang galing kwarto.


"Kumain na po kayo?"


"Oo kasabay ng mga pamangkin at nila Kuya mo kanina. Hindi na kita ginising kasi late ka na rin yata nakatulog dahil sa pakikipag-usap kay Vice. Kumusta na ba siya doon?"


"Maayos naman po kahit sobrang lamig daw doon ngayon. Ilang araw na rin lang naman po uuwi na sila"


Nagkwentuhan pa kami ni Mommy habang kumakain ako. Halos tungkol sa nalalapit na kasal ang topic namin na mas lalong nagpaexcite sa aming dalawa.



Pagkatapos ko magligpit ng pinagkainan ko ay bumalik na ako sa kwarto para maghanda sa pupuntahan ko ngayong araw. Panay ang tunog ng phone ko paglabas ko ng banyo nang makatapos na ako maligo.


"Hello Mel. Napatawag ka?"


"Gosh Jaki si Madc!" Nagpapanic na sabi niya.


"Oh anong meron sa kanya?"


"Napalayas daw sa bahay nila papunta na nga ako sa kanya ngayon"


"What?!!"


"Same reaction sakin kanina. May lakad ka ba ngayon? Girl baka saktan ko yung beshy natin" Naiinis pang sabi niya.


Tuwing UmuulanWhere stories live. Discover now