TWENTY EIGHT

232 15 3
                                    

Dahil monthsary ng ViceJack may update ako. 😊

Sorry po sa typo. Pasensya po kung matagal ako mag-update.

_______________________________________

"Smile Baby, smile" Nakatingin lamang si Jaki sa di kalayuan sa kanyang mag-ama. Hindi, mali kasi si Vice ang tunay niyang ama at si Ion ay....



"Daddy na rin naman ang turing ni Jaice sa kanya" bulong ni Jaki sa isip niya.



"Mommy! Come here po!" Lumapit siya kila Jaice at ang makulit na bata ay agad silang pinagtabi ni Ion bago kunin ang camera sa kamay ng Tito Daddy niya.



"Closer po and smile" Sabay na napailing ang dalawa bago sumunod sa utos ng munting bata.


"Family picture naman po" Sunod na hiling ng bata. Nagkatinginan sina Jaki at Ion na wala na ring nagawa kundi pagbigyan si Jaice.


Mayamaya pa ay isa isang pumila ang kabilang sa wedding entourage maliban kay Jaice na ayaw bumaba at mawalay sa mommy niya.


"Baby, pipila ka lang tapos lalakad at uupo ka doon sa bandang unahan"



"No Mommy, I don't like--"



"Jaice?"




"Eeeee. I don't want Mommy"



"Why?"



"I'm scared"



Sino ba naman ang hindi matatakot eh yung altar ay nakaset up doon malapit sa cliff. Maganda naman lalo pa at malapit na rin lumubog ang araw kaya lamang medyo delikado sa mga malilikot na bata. Tubig naman ang babagsakan pero masyadong mataas kung tatalunin.




"Ma'am, pila na po"



"Give me a minute" Sagot ng medyo stress na si Jaki. Nilingon niya si Ion na mataman lang nakatitig sa kanila, magsasalita pa lamang si Jaki pero agad itong naglakad palayo. Napangiti siya nang tumigil ito doon malapit sa altar at upuan.



"Baby, don't be scared. Look" Sabay turo pa ni Jaki sa pwesto ni Ion.



"Safe ka. Hinihintay ka ni Tito Daddy mo doon. Hindi niya hahayaang may mangyaring masama sayo" Wala pang ilang segundo ay nagpababa na siya at nagkusang pumila.


Naupo na si Jaki habang naghihintay ng turn ni Jaice maglakad. Kinuhanan niya ito ng ilan pang mga litrato at video bago napadako sa mga lalaking naghihintay dito sa unahan.


Si Ion at si Vice.




Ngiting ngiti si Jaice habang kinakabahan si Jaki sa upuan niya. Sino ba ang dahilan nang ngiti na 'yon?



"Vice" Mahinang sabi niya nang yakapin ito ni Jaice sa pagdating niya sa harap. Kita rin niyang napaatras si Ion bago dahan dahang lumayo sa dalawa. Kumaway pa si Jaice sa gawi ni Jaki habang nakakapit sa kamay ng totoong daddy niya.


"Are you okay?" Tanong ni Jaki sa katabi niya.



"I'm okay"



"I'm sorry"



"You don't have to, alam ko naman ang totoo. Truth hurts."



Inabot ni Jaki ang isang kamay nito at hinalikan. Nangungusap ang mga mata nila na sila lamang dalawa ang nagkakaintindihan.


Tuwing UmuulanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon