TWENTY FIVE

336 23 42
                                    

Tahimik na nakatingin sa side table si Jaki habang nakasandal sa head board ng kama. Naghihintay na sakaling umilaw ang telepono niya at makita ang isang pangalan na kanina pa niyang hinihintay tumawag.




Hindi siya pwedeng magkamali. Sa tagal nilang magkasama ay kilala na niya ito kahit pa nakatalikod. Saulado ang bawat detalye ng mukha pati hubog ng katawan.





"Sabi mo---"





"Mommy!! Done na!!" Patakbong lumapit sa kanya si Jaice na nakatapis lamang sa puting tuwalya.





"Napakakulit" Saad ni Vice na basang basa na lumabas sa banyo. Siya kasi ang nagpresintang magshower sa bata.






"Maligo ka na rin Vice" Tumango lamang naman ito sa sinabi ni Jaki.




"Mommy pwede po ba akong dun matulog sa room nila Tita Anne? Please Mommy payag ka na po"




"Bakit naman gusto mo doon? Ayaw mo ba kami kasama ni Daddy sa room?"




"Gusto naman po kaya lang magpeplay pa kami nila Kary, they are in one room lang po tayo lang hindi" pangungulit ni Jaice sa mommy niya habang binibihisan ito ng pantulog.



"Gusto mo ba talaga doon?" Tanong ni Vice.




"Opo Daddy. Sabi naman po ni Tito Jhong wala siyang katabi kaya pwede ako dun magsleep. Payag na po kayo. Please po"




"Sige" pagpayag ni Vice.





Hinatid nila ito sa hotel room na tinutuluyan nila Anne.




"Pakibantay muna Ate, di rin naman iyan makakatiis, di iyan makakatulog dito" paninigurado ni Jaki. Kilalang kilala niya si Jaice, kunwaring gusto pero mamaya ay magbabago ang isip kapag hindi kasama ang mommy niya.




"Ihatid ko na lang siya mamaya sa room niyo"




"Text mo na lang ako Sis, ako na susundo diyan sa baby girl namin" pagsingit ni Vice sa usapan.




"Baby babalik na kami sa room natin. Behave ka dito, wag masyado makulit"




"Opo, Mommy. Goodnight po sa inyong dalawa" yumakap at humalik sa kanila si Jaice bago bumalik sa paglalaro.




Natahimik naman ang kwarto sa pagbalik nila.




"Inaantok ka na? Gusto mo magcoffee?"





"Coffee talaga? Baka lalo tayong hindi makatulog"



"Beer, wine, whisky, ano ba gusto mo? Okay lang ba sayo na uminom tayo kahit ngayong gabi lang?"



"Sure. Pampatulog lang" kumuha si Vice ng beer sa maliit na ref, binuksan ito bago iabot kay Jaki ang isa. Nagtungo rin sila sa veranda para doon muna tumambay.



Magkahiwalay sila ng upuan. Sa hanging chair si Jaki at nakataas pa ang paa.




"Anong pinagkakaabalahan mo ngayon bukod kay Jaice?"




"Resigned na ako sa work ko sa U.S., for now naghahanap ako dito sa Pinas. May inoffer si Kuya kaso abroad pa rin"




"Ba't di mo grinab?"



"Gusto mo bang ilayo ko sayo Jaice?" Saglit naman na napaisip si Vice.



"Sa Showtime ayaw mo bumalik?"




Tuwing UmuulanWhere stories live. Discover now