THIRTEEN

345 22 92
                                    


"Sinabihan ko lang siya na hintayin ako saglit tapos paglabas ko wala na siya. Tinanong ko dun sa janitor lumabas daw"



"Mabuti pa maghiwalay tayo, hahanapin natin siya tapos tawagan mo na lang ako kapag nakita mo na" aligagang sabi ni Jaki bago umalis at nagsimulang maghanap.


Ilang sulok na sa ospital ang napuntahan niya ngunit wala ang anak niya.


"Jaice...manang mana ka talaga minsan sa tatay mo" Naiinis na sabi ni Jaki.





.

.

.

"Bata.."

"Uy! Bata.."


Lumingon si Jaice sa tumatawag sa kanya. Nakaupo lamang siya noon sa isang baitang ng hagdan at umiiyak. Nakita rin niyang mas lalong nanlaki ang mata ko ng taong tumawag sa kanya.


"Bakit po?" Umiiyak na tanong niya. Pumasok ang lalaki sa pinto, lumapit at lumuhod sa harap niya.



"Ikaw yung nakita ko sa mall kahapon diba? Bakit ka nandito? Bakit ka umiiyak?" Yumakap naman si Jaice sa halip na sumagot.




Parang tumalon ang puso ko ng lalaki sa ginawa niya. Mabilis ang tibok nito at gumaan ang pakiramdam ko sa yakap ng batang nilapitan niya.


"Assshhhh sshhh tahan na baby, tahan na" hinagod niya pa ang likod ng bata dahil sa pag-ubo nito.




"Sorry po" Paghingi ng paumanhin ni Jaice sa kanya bago umalis sa pagkakayakap dito.




"Sabihin mo sa akin, bakit ka umiiyak?"



Patuloy pa rin ang pag-agos ng luha ni Jaice, mapula na ang ilong, at namumungay ang mga mata.




"Natatakot po ako" humihikbing sagot niya.



"Bakit?"




"Ayoko pong magpaturok. Natatakot po ako"




"Turukan?"




"Opo, nagtatago po ako dito. Sige na po, alis na po kayo"




"Huh? Teka nga" Sinipat niya ang buong katawan ng bata bago nakita ang sugat sa may kamay niya.




"Saan mo ito nakuha? Medyo nagdudugo pa" iniwas ito ni Jaice sa lalaki at itinago ang kamay sa likod niya.




"Yung alaga po kasi na pusa ng kaibigan ni Mommy ko kinagat ako nung naglalaro kami"





"Hala! Kailangan mong ipagamot iyan"




"Ayaw ko nga po! Tuturukan nila ako" Sabay umiyak siya nang malakas. Niyakap naman siya ng lalaki kahit hindi naman niya kilala ang bata.




"Tahan na ikaw, hindi naman masakit iyon. Gusto mo bang may mas masamang mangyari sayo?" Umiling naman siya, napakacute.




"Baby, listen to me okay? Kapag hindi iyan nagamot at hindi ka naturukan baka may mas masamang mangyari sayo. Hindi ka na makakalaro kapag ganoon at mas tatagal ka dito sa ospital"




"Pero baka po masakit"




"Hindi iyon masakit"



"Bakit po umiiyak yung ibang kids na nakikita ko?"



Tuwing UmuulanWhere stories live. Discover now