TWENTY FOUR

232 18 17
                                    




"Happy birthday! Happy birthday! Happy birthday to you"




Tuwang tuwa naman si Jaice sa party niya. Makulay ito at talaga nga namang sobrang fairytale ang dating. Pinagkagastusan ito ni Vice bilang pambawi sa tatlong taon na wala siya sa kaarawan nito.





"Look! Ang saya saya ni Jaice" saad ni Jaki sa tabi ni Vice habang nasa stage ang anak nila.




"And she's so pretty in her gown" dagdag ni Vice.




"Ang ganda ganda ng baby ko" Maluha-luha na sa saya si Jaki sa tabi niya.



"Ang ganda ganda rin nung katabi ko" Napalingon naman ito sa kanya. "Ang ganda mo Jaki kaya wag ka ngang umiyak diyan, party ito dapat masaya lang tayo. At isa pa diba alam mo naman na ayaw na--"




"Ayaw na ayaw mong makikitang umiiyak ako" mabilis siyang nagpunas nang luha gamit ang tissue sa isang table.




"Tama ka, I don't wanna see you crying Jaki. Mamaya yakapin na lang kita dito para patahanin"




"Baliw! Ikaw talaga kung ano anong sinasabi mo"



"Siguro nga baliw ako sa paningin mo, minsan din palagay ko baliw nga talaga ako. Baliw na baliw sayo" mabilis na nag-iwas nang tingin si Jaki sa kanya.





"Ang hirit ng isang late" Saad ni Jaki sa bago nagroll eyes. Napakamot ulo na lamang si Vice dahil totoo naman na kamuntik na siyang malate kanina. Emergency. Kailangan niyang tulungan ang isang kaibigan.





"Dumating naman ako at isa pa muntik lang 'yon"




"Magdahilan ka pa. Tse"





Mabuti na rin lang at tinawag sila sa stage para magbigay ng mensahe para kay Jaice.




Bumaba sila sa stage pagkatapos para lumapit sa pagblow ng candle sa cake ni Jaice.




"Wish ka muna baby. Tell us your wish"




Nilingon sila nung bata habang nasa magkabilang tabi lang sila nito.




"Alam na po nila ang wish ko. Iisa naman wish ko diba po Mommy? Daddy?" Nagtinginan ang dalawa bago tumango sa anak nila.





"Ang wish naman namin para sa iyo ay ang matupad ang wish mo" saad ng host ng party.



"Sana nga po" pumikit pa si Jaice bago hipan ang kandila sa harap niya.




Nagpalakpakan ang mga bisita at humalik naman ang bata sa pisngi ng mga magulang niya.





Umandar pa ang kakulitan nito nang pahiran ng icing ang mukha ni Vice na kaagad nitong ginantihan. Palayo na sana si Jaki pero hinuli siya ni Vice at inilapit kay Jaice.





Nakayakap siya sa bewang nito habang tawa sila nang tawa. Halos manlagkit ang mukha nila habang natutuwa si Jaice sa kakulitan at nakikita niya.




"Vice! Vice! Para-paraan ah" sigaw ni Vhong sa isang tabi kaya napabitaw siya kay Jaki.




"S-s-so-sor--" hindi na niya natuloy ang sasabihin nang lagyan ulit siya ni Jaki ng icing sa may ilong.





"Tara muna baby tanggalin natin iyang icing sa face mo" binuhat ni Jaki si Jaice na masaya pa rin sa nangyari.



"Nakapuntos ka yata doon Brad ah" Pinahiran naman ni Vice ng icing ang kaibigan. Hindi na sana mapapansin ni Jaki kung hindi dahil sa kadaldalan nito.



Tuwing UmuulanWhere stories live. Discover now